Pia Wurtzbach denies she was unfair to Rachel Peters at Miss Universe 2017

IMAGE Instagram

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left), one of the judges in the recently-concluded Miss Universe 2017 pageant, explained that she was fair to Miss Philippines Rachel Peters (right) and to the rest of the candidates. 


Iginiit ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na naging patas siya sa pag-judge sa kinatawan ng Pilipinas na si Rachel Peters sa Miss Universe 2017.

Ginanap ang prestihiyosong international beauty pageant sa Las Vegas, Nevada, USA, nitong Lunes, November 27 (Philippine time).

Ikinadismaya ng maraming Filipino pageant fans ang hindi pag-usad ni Rachel sa Top 6, kahit na naging maganda naman daw ang performance nito sa evening gown competition ng Top 10 candidates.

Ibinaling ng iba ang galit kay Pia, na isa sa mga hurado noong grand coronation. 

Tinawag na "insecure," "inggitera," at iba pang masasakit na salita si Pia, at inakusahan pang binigyan diumano ng mababang score si Rachel.

Pati ang pinanggalingang beauty pageant camps ng dalawang beauty queens ay iniisyu.

Si Rachel ay mula sa Kagandahang Flores, samantalang si Pia ay mula naman sa Aces & Queens.

Si Demi Leigh Nel-Peters ng South Africa ang nag-uwi ng Miss Universe 2017 crown.


Stories We Are Tracking

Megan Young, Laura Lehmann deny beauty pageant camp wars
Megan Young, Laura Lehmann deny beauty pageant camp wars

“I WAS FAIR.” Sa pamamagitan ng isang video na nai-post sa Instagram, iginiit ni Pia na naging patas siya sa pagbibigay ng score kay Rachel.

“I was fair to everyone, not just to Miss Philippines, but also [to] the other candidates.

“And I think that’s why they chose me, because they knew that I was going to be fair and impartial when it comes to judging for choosing the next Miss Universe,” pahayag ng 28-year-old beauty queen.

MESSAGE TO RACHEL. Bukod dito, nauna nang nagpaabot ng mensahe si Pia kay Rachel sa pamamagitan ng Instagram.

Aniya, si Rachel ang nakakuha ng pinakamalakas na sigaw mula sa audience.

Nagpasalamat din si Pia sa karangalang ibinigay ni Rachel sa Pilipinas bilang kinatawan.

“And to @rachelpetersx, thank you for making us proud. Sitting on the other side, it was so nice to witness a Miss Philippines perform and have the loudest cheer in the crowd. Keep your head up. We’re all so proud of you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN