Miguel Tanfelix admits he has feelings for Bianca Umali

IMAGE Noel Orsal

Miguel Tanfelix on courting Bianca Umali: "Hindi pa gusto ng lola niya. Hindi pa rin naman gusto ng mommy ko."

 


“Talaga ba?” ang natawang reaksiyon ni Miguel Tanfelix sa mga nakakapansing parang sila na ng ka-love team niyang si Bianca Umali.

Ngunit giit ng 19-year-old Kapuso actor, “Grabe, hindi naman po, may border pa rin naman. 

“May reason naman kung bakit ko hinahawakan ang kamay niya, kung bakit ko inaakbayan.

“Pero hindi ibig sabihin na kami na pong talaga.

“Sweet lang po talaga akong tao.” 

Pero aminado si Miguel na puwedeng mauwi sa totohanang ligawan ang love team nila.

“Bakit hindi? Nakikita ko naman, may possibility na maging kami.

“Ang tagal na naming magkakilala and, obviously, kilala na namin ang isa’t isa.

“Kumportable naman kami sa isa’t isa, so parang kailangan lang talaga manligaw.

“At saka, seventeen pa lang naman si Bianca, siyempre hindi pa gusto ng lola niya.

“At hindi pa rin naman gusto ng mommy ko.”

May mutual understanding na silang dalawa?

“I think naman, kahit hindi ko sabihin kay Bianca, alam niyang may pagtingin ako sa kanya.

“Feeling ko, hindi naman na kailangan sabihin.

“Ako kasi, halimbawa may sinabi sa akin ang isang tao, hindi ko masyadong pinapaniwalaan. 

“Mas pinapaniwalaan ko ang actions niya, so ganun din ako.

“Hindi ko gustong sinasabi, pinaparamdam ko sa isang tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa nakaraang presscon ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Kambal, Karibal.

LEVELLING UP. Ibang Miguel at Bianca raw ang napapanood sa Kambal, Karibal, na nag-pilot na ngayong linggo.

Ayon kay Miguel, “Definitely, hindi ito pa-tweetums, mas mature ang roles namin dito.

“Pero siyempre, ayaw pa rin naming tanggalin ni Bianca yung pagiging wholesome namin.

“Doon naman kami nakilala, e, yung values namin, papangalagaan namin.

“Pero definitely, itong show na ‘to, mas level up.

“At yung character namin dito, kung makikita niyo, may pagka-mysterious yung touch ng show.”

Bahagi ba ng pagma-mature niya ang rumampa at magpakita ng katawan, tulad ng ginawa nina Rocco Nacino at Ruru Madrid sa nakaraang Bench underwear show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Miguel, “Mangyayari naman talaga yun na mawawala tayo sa teenage years.

“Pagdating ng panahon… kung magmu-model ako ng parang ganun, ayoko naman ng sobrang daring.

“Parang gusto ko pa rin magtira ng values, respeto sa sarili ko.

“Kung sakali man, not too daring siguro.

“Para yung mga supporters namin na nakilala kami as wholesome, titingalain pa rin kami.

“Iba pa rin yung may respeto ka sa sarili.”


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino speaks up on 'big surprise' at Bench show
Rocco Nacino speaks up on 'big surprise' at Bench show
All the hunks at <em>Bench Under The Stars f</em>ashion show
All the hunks at Bench Under The Stars fashion show


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN