Spotted muli sa Cebu ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.
Ayon sa ibinahaging larawan at video ng isang netizen sa Twitter, namataan sina John Lloyd at Ellen sa Mactan-Cebu International Airport, kahapon, November 30.
John lloyd and Ellen Adarna spotted at Cebu Airport. Awwww, look at Ellen’s tummy doe. ???????????????? pic.twitter.com/EJdR9ZVuJv
— L felip (@Leaaandrafel1pe) November 30, 2017
Ayon pa sa netizen, "halata" na ang tiyan ni Ellen.
wow halata na :))) pic.twitter.com/7noCJgAmnu
— L felip (@Leaaandrafel1pe) November 30, 2017
Sa Instagram naman, may nag-upload din ng halos kaparehong larawan ng dalawa.
Sa isa pang post, sinabi ng netizen sa caption na “Baby bump is Real.”
Nitong nakaraang Martes, November 28, kumalat ang mga larawan at video sa diumano’y pormal na pagpapakilala ni Ellen, 29, kay John Lloyd, 34, sa kanyang mga magulang na naninirahan sa Cebu.
November 19, unang ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdadalantao ni Ellen, 29.
Hanggang ngayon, wala pang pahayag mula sa dalawa tungkol sa totoong kalagayan ni Ellen.
Ngunit ayon sa naglabasang balita, posibleng sa katapusan pa ng taon pormal na aamin si Ellen sa kanyang pagbubuntis, dahil ito rin ang araw ng pagtatapos ng kanyang mga endorsement contracts.
Nakasaad daw kasi sa ilang kontrata ni Ellen na bawal siyang magbuntis sa loob ng panahong iniendorso niya ang kanilang mga produkto.