Is Maine Mendoza leaving Eat Bulaga?

IMAGE @maindcm on Instagram / Just Dream Production and Events on Facebook

Maine Mendoza's mom Mary Ann Mendoza thanked the AlDub Nation for their support to her daughter during the "white rally" held last November 30, outside Eat Bulaga! studio in Broadway Centrum, Quezon City.


Usap-usapan ngayon ng AlDub Nation sa social media kung bakit ilang araw nang hindi napapanood ang GMA-7 actress/host na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga!

Noong Linggo, November 26, inilabas ni Maine sa isang open letter ang kanyang saloobin tungkol sa showbiz career nito. 

Sa open letter, nagpasalamat si Maine sa suportang natanggap niya mula sa kanilang fans. Kinumpirma rin ng Dubsmash Queen sa sulat na magkaibigan lang sila ng ka-love team na si Alden Richards.

Nitong nakaraang Lunes, November 27, huling napanood si Maine ng kanyang mga fans sa Kapuso noontime show. 

Sa araw ding ito, nag-post ang phenomenal star sa kanyang Twitter ng isang cryptic message.

Ang tingin ng netizens, sagot niya ito sa negative reactions na inani ng kanyang open letter.

Ani Maine, "You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand.."

Simula noong November 28 hanggang kahapon, December 3, hindi lumabas si Maine sa Eat Bulaga! kaya samu't saring ispekulasyon ang umikot sa social media tungkol sa absence ni Maine sa nasabing programa.

Ilang tweets ang nagbanggit tungkol sa umano'y paglipat ni Maine sa ABS-CBN.

Nitong November 30, isang "white rally" ang ginawa ng AlDub Nation sa labas ng Eat Bulaga! studio sa Broadway Centrum, Quezon City. Ang pagtitipon na ito raw ang kanilang paraan upang maipakita ang kanilang suporta para kina Maine at Alden.

Sa ilang video na kuha mula sa pagtitipon, makikita na nakausap ng isang representative ng AlDub Nation ang ina ni Maine na si Mary Ann Mendoza. Sa kanilang pag-uusap, ipinarating ng AlDub Nation ang kanilang pagmamahal para kay Maine. 

Matapos ang kamustahan, naging panatag naman ang loob ng mga fans matapos marinig ang mga katagang "Maine will stay" mula mismo sa ina ng 22-year-old TV-host/actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panoorin sa video na ito:

Samantala, nitong Biyernes, December 1 ang recent public appearance ni Maine. Nagpunta ito sa launch ng isang high-end smartphone sa Greenbelt sa Makati City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN