Robin Padilla still urges daughter Kylie to "do what is right"

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Robin Padilla still firm in his stand that daughter Kylie should tie the knot with fiancé Aljur Abrenica. "Wala namang pinakamagandang regalo sa apo ko, kundi nakataas ang noo niya at ang kanyang mga magulang ay legal sa harap ng Diyos at harap ng tao," he says.


Idiniin ni Robin Padilla ang pagnanais niyang maikasal ang anak na si Kylie Padilla sa fiancé nitong si Aljur Abrenica para maging tama sa mata ng Diyos at mata ng tao ang pagsasama nila.

“Yun lang, sana mas lumawak ang kaisipan niya sa usapin ng yung doing what is right, being right. E, magandang maging mag-asawa.

“Wala namang pinakamagandang regalo sa apo ko, kundi nakataas ang noo niya at ang kanyang mga magulang ay legal sa harap ng Diyos at harap ng tao,” pahayag ng 48-anyos na aktor sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda noong Biyernes, December 1.

Sina Kylie at Aljur ay mayroon nang four-month-old baby, si Alas Joaquin.

Matagal na hindi nag-usap ang mag-ama dahil hindi pabor si Robin na nauna munang mabuntis at manganak si Kylie bago magpakasal.

Naging emosyunal ang pagkikita ng mag-ama sa first birthday celebration ng anak nina Robin at Mariel Rodriguez na si Isabella noong November 18.

Iyon ang una nilang pagkikita pagkatapos ng ilang buwan.

Iyon din ang unang pagkakataog nakita ni Robin ang apong si Alas.

“Ang pogi, e. Pagkakita ko, Padillang-Padilla,” reaksiyon ni Robin nang makita ang kanyang apo.

“Sorry, wala po akong anumang ibig sabihin, pero Padillang-Padilla talaga,” sundot ng action star.

Hindi lingid sa showbiz na hindi pa rin nagkakaayos sina Robin at Aljur.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet

Sinabi rin ni Robin na pinatunayan sa kanya ni Kylie na hindi ito nagkamali na nauna ang kanyang panganganak kaysa pagpapakasal.

Pahayag ng aktor, “Alam kong nahihirapan siya dahil kumukonek siya kay Mariel.

“Lalo ko siyang hinangaaan, kasi nung una, akala ko di kaya nito... ano lang ‘to, alam mo na pag-ibig na nagkamali, nagkaroon ng bata.

“Hindi, e. Hindi ganun.

“Pinatunayan niya sa akin na, ‘Kaya ko at hindi ka kailangang mag-aalala.’ Napakatapang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN