Chito Miranda explains "ungas" term of endearment for son

IMAGE Instagram photo of Chito Miranda

"Nakaka-awa daw ang anak ko kasi tinatawag kong 'ungas'. Mas nakaka-awa yata yung mga anak na may mga magulang na walang sense of humor," says Chito Miranda on hate comments about his term of endearment for his son Miggy.


Dahil sa hate comments, ipinaliwanag ni Chito Miranda ang term of endearment niya sa kanyang one-year-old son.

Nag-ugat ito sa Instagram post ng frontman ng Parokya ni Edgar kahapon, December 3.

Nag-post si Chito ng dalawang larawan ng anak nila ng misis niyang si Neri Naig—si Baby Miggy.

Sa caption nito ay tinawag ni Chito na “ungas” ang kanyang anak.

“Miss na miss na miss ko na 'tong ungas na 'to. Naglakad na daw sya kanina ng tatlong hakbang.

“Wala ako kasi may tugtog kami.”

May ilang netizens na hindi nagustuhan ang post ng kilalang rock musician, ngunit binura na ang kanilang comments sa post nito.

Reaksiyon naman dito ni Chito, “Binura na pala ng mga nagagalit sa akin yung mga comments nila, kung bakit ko daw tinatawag na 'ungas' ang anak ko, at sana daw wag mamana ni Miggy sa akin yung ganung ugali.”

Sa kabila nito, ipinaliwanag pa rin ng Parokya Ni Edgar lead singer kung bakit “ungas” ang tawag niya sa anak.

Aniya, “Alam nyo po kasi, 'term of endearment' ang tawag dun.

“My uncle calls his children 'monkey'. Ang tawag ng dad ko sa akin 'tikmol'.

“Kami ng bestfriend ko from Ateneo, tawag namin sa mga anak namin, 'ungas'.

“His son is an honor student in Ateneo pero sobrang kengkoy. As in matatawa ka nalang talaga at masasabing 'ungas talaga 'tong anak ko'.

“Same with Miggy. Matatawa ka nalang talaga sa kalokohan nya.”

Kasunod nito ay ipinaliwanag din ni Chito kung bakit niya nasabing nakakaawa ang mga nagalit sa kanyang post.

Aniya, “Kaya ko nasabi na nakaka-awa yung mga corny na nagalit, is because hindi siguro sila sanay sa mga terms ng endearment ng mga magkaka-tropa na malakas mag-alaskahan.

“Ang corny nun diba? Ang baduy ng buhay na kinalakihan nila.

“Habang ako napaligiran ako ng mga makukulit at tunay na kaibigan at lumaki ako sa environment na puno ng kasiyahan, kalokohan, at kakulitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puno ng pagmamahal ang buhay ko at ang post na 'to.

“Wag kang corny. It's so sad that you see negativity in a positive and loving post.”

Ibinahagi rin ito ni Chito sa kanyang Twitter account.

Sabi niya, “Nakaka-awa daw ang anak ko kasi tinatawag kong 'ungas'.

“Mas nakaka-awa yata yung mga anak na may mga magulang na walang sense of humor.”

Kasunod ng kanyang paliwanag sa Instagram ay mga komento mula sa followers na sumasang-ayon sa kanya.

Ang iba ay ibinahagi pa ang kanilang term of endearment sa kanilang mga anak.

Dagdag pa ni Chito sa kanyang sumunod na comment, walang masama sa ganitong klase ng term of endearment sa mga anak.

“Basta walang kasamang disrespect, and done out of fondness and lambing, walang masama dun,” aniya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN