Sharon Cuneta commends Robin Padilla for his efforts in Marawi

IMAGE Nerisa Almo

Sharon Cuneta asks fellow Filipinos to help in rebuilding Marawi, "Sana lahat po tayo, kahit sampung piso, magbigay kayo dahil madaling... it's so easy to come up with a big amount kapag lahat tayo nagsama-sama."


Iba na raw ngayon ang respeto ni Sharon Cuneta para sa kanyang onscreen partner na si Robin Padilla.

“Kung nirerespeto ko si Robin noon, my respect for him now is much more profound, it is deeper,” sabi ni Sharon tungkol sa mga kawanggawa ng aktor.

Isa sa mga isinusulong ni Robin ngayon ay ang pagbibigay-tulong sa mga Muslim na naging biktima ng kaguluhan sa Marawi.

Dagdag pa ni Sharon, “Mas bilib nga ako sa kanya, parang sasaluduhan mo talaga.

“He's really championing this cause.

“There's so many brothers and sisters na Muslim who also want to be heard.

“Siya lang yung nangyayaring boses dahil sikat siya, e.

“I mean, let's all support the cause of Robin, the cause for pagbangon ng Marawi.

“No matter how you get around to it, just get there. Let's just reach out to them.”

Nakapanayam PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sharon sa press conference ng pelikulang Unexpectedly Yours noong nakaraang linggo.


Stories We Are Tracking

Robin Padilla indebted to ABS-CBN for spearheading telethon
Robin Padilla indebted to ABS-CBN for spearheading telethon

“TULUNG-TULONG TAYO.” Isa si Sharon sa mga nagpaabot ng tulong-pinansiyal sa Bangon Marawi project ni Robin.

Sa palagay ng Megastar, mas madaling makapag-iipon para sa rehabilitasyon ng Marawi kung ang bawat Pilipino ay tutulong.

Aniya, “Nagtataka ako kung meron pa bang hindi naniniwala o sumusuporta sa cause na yun na kailangang pagbangon muli ng Marawi.

“I mean, they're are our brothers and sisters.

“I always have a heart for Mindanao, especially when my husband [Senator Kiko Pangilinan] got into politics in 2001.

“I realized it's so rich and yet it's so poor.

“Over the years, parang iniisip ko, as a private citizen, how do I contribute something to Mindanao?

“I even talked to [former DSWD secretary] Dinky Soliman before.

"I've always have a heart... I don't know, parang..."

Sa pagpapatuloy ni Sharon, inilahad niya ang nakalulungkot na sitwasyon ng mga Pilipinong naging biktima ng giyera sa Marawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung nadi-displace kapag giyera, di ba, paano mo pakakainin ang mga bata, saan mo dadalhin except dun sa refugee camps or whatever, 'no?

“Saan ka magtatayo ng eskuwela when hindi nila alam kung yun ang bobombahin the next day?

“To be uprooted kung saan ka kumportable, saan ka lumaki o saan ka namumuhay, to be uprooted dahil may nanggugulo sa 'yo, that's bad enough.

“Hindi ko ma-imagine kung mangyari sa amin 'yon.

“Pero yung parang day-to-day, yung buhay mo, di mo alam kung paano ka ulit babangon.”

Dahil daw rito, kailangan ay maging kusa na rin sa mga kapwa Pinoy ang pagtulong.

Pahayag ni Sharon, “Hindi na tinatanong yun.

"Sana lahat po tayo, kahit sampung piso, magbigay kayo dahil madaling... it's so easy to come up with a big amount kapag lahat tayo nagsama-sama.”

Diin pa niya sa huli, “You know, if it happens to us, sino ang tutulong sa atin? Tayo-tayo lang din naman, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN