Vic Sotto denies Maine Mendoza is suspended from Eat Bulaga

by Arniel C. Serato
Dec 5, 2017
Nakabakasyon lamang daw si Maine Mendoza sa Eat Bulaga, ayon kay Vic Sotto. Hindi lang daw alam ng veteran TV host-comedian kung kailan ito babalik sa kanilang noontime show.

Itinanggi ni Vic Sotto ang usap-usapang sinuspinde diumano mula sa Eat Bulaga! si Maine Mendoza.

Halos isang linggo nang hindi napapanood sa noontime show ng Kapuso network ang tinaguriang Dubsmash Queen at kalahati ng AlDub love team.

Nagsimula ang hindi pagpapakita ni Maine sa noontime show matapos ang kanyang mahabang open letter para sa AlDub Nation, kung saan binigyang linaw niya ang tungkol sa kanila nina Alden Richards at Jake Ejercito.

Matapos nito, lumabas ang usap-usapang sinuspinde diumano sa show si Maine.

May nagsasabi namang lilisanin na raw nito ang show kung saan siya nakilala nang husto ng publiko.

Pero kumalat din ang balitang nasa Amerika lamang ngayon ang phenomenal star at pansamantala munang magpapahinga sa showbiz.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa grand presscon ng 2017 Metro Manila Film Festival official entry na Meant To Beh ngayong Martes, December 5, inusisa ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Vic tungkol kay Maine.

Naka-leave nga ba si Maine sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ng veteran TV host-comedian, "Ang alam ko, nakabakasyon siya.

"I'm not really in the know, I'm not privy to anything na personal niyang desisyon.

"Kasi, para sa akin, kung ano man yun... respetuhin na lang natin kung ano man yung mga issues niya, kung ano man yung mga pinagdadaanan niya.

"Siya lang nakakaalam dun. I'm not privy to anything personal pagdating sa kanya."

Naramdaman ba niyang may pinagdadaanan si Maine bago ito magbakasyon?

Saad ni Vic, "Kasi hindi naman kami masyado nagkikita, e.

"Most of the time, nasa barangay siya, nasa studio kami.

"Parang once a week lang kami nagkakasama sa studio, e, kapag Saturdays.

"Ako, personally, wala akong nararamdaman."

NOT SUSPENDED. Pero hindi pa raw malinaw kung kailan babalik si Maine sa Eat Bulaga.

Sabi ni Vic, "I don't know, you can ask Mr. [Tony] Tuviera, wala rin akong alam dun."

Suspendido ba si Maine sa show?

Paniniguro ni Vic, "Definitely not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ba't naman isususpende siya ng TAPE, 'no, ng Eat Bulaga?

"Lalo na kay Mr. Tuviera, respetado niya 'yang opinyon, pag-iisip, at kung anuman ang pinagdadaanan ng bawat kasama namin sa Dabarkads."

May mensahe ba siya sa nawindang na fans ng AlDub?

Ayon kay Vic, "E, yun lang naman pagkakaalam ko, wala naman talaga akong alam, e.

"Yung love team, hindi naman talaga mawawala na yun, e.

"Andun na yun habang buhay.

"So, antayin na lang natin ang mga kasunod na kabanata."

Read Next
Read More Stories About
Vic Sotto, maine mendoza
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakabakasyon lamang daw si Maine Mendoza sa Eat Bulaga, ayon kay Vic Sotto. Hindi lang daw alam ng veteran TV host-comedian kung kailan ito babalik sa kanilang noontime show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results