Vic Sotto on Joey de Leon's controversies: "Sanay sa intriga 'yan, e."

IMAGE Noel Orsal / Courtesy @angpoetnyo on Instagram

Vic Sotto (left) on Joey de Leon (right): "Si Pareng Joey naman, nagso-sorry kung talaga namang… kung sa tingin niya nagkamali siya. Yun naman ang sukatan ng tunay na lalaki or tunay na tao, yung kaya mong i-admit na mali ka, mag-sorry ka. Sorry, ibig sabihin, hindi mo na uulitin."


Maituturing na kontrobersiyal ang mga kasamahan ni Vic Sotto sa Eat Bulaga! na sina Joey de Leon at Senator Tito Sotto.

Madalas kasing nalalagay sa balag ng alanganin ang dalawang veteran TV hosts dahil sa kanilang statements o posts sa social media.

Noong nakaraang Mayo, nabatikos nang husto ang kapatid ni Vic na si Tito Sen dahil sa kanyang “na-ano” comment sa Commission on Appointments (CA) hearing ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.


Stories We Are Tracking

Senator Tito Sotto blames trolls for latest issue about him
Senator Tito Sotto blames trolls for latest issue about him

Nitong Oktubre, si Joey naman ang binatikos ng netizens dahil sa kanyang komento na "gawa-gawa" lamang daw ng mga tao ang depresyon. 


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression

Nitong nakaraang buwan, nabatikos muli si Joey dahil sa kanyang “nalunod” caption sa Instagram post nito.

Nataon kasing pinagluluksa noon ng It's Showtime hosts ang Hashtags member na si Franco Hernandez, na namatay dahil sa pagkalunod sa Davao Occidental.


Stories We Are Tracking

Joey de Leon draws flak over
Joey de Leon draws flak over "nalunod" caption

Sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entry na Meant To Beh kahapon, December 5, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang opinyon si Vic tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nina Joey at Senator Tito.

Ayon sa comedian-TV host, “Si Pareng Joey naman, sanay sa intriga ‘yan, e.

"Kahit na nung araw pa, marami nang pinagdaanan ‘yan.

“Yung paminsang-minsang naba-bash, e, kasama… kapag nag-social media ka, you have to be ready for anything.

“You have to be responsible for what you say, kung sa tingin mo…

"Kung ikaw man ay nagkamali sa iyong mga desisyon…

"Si Pareng Joey naman, nagso-sorry kung talaga namang… kung sa tingin niya nagkamali siya.

"Yun naman ang sukatan ng tunay na lalaki or tunay na tao, yung kaya mong i-admit na mali ka, mag-sorry ka.

"Sorry, ibig sabihin, hindi mo na uulitin.”

NO TAMPO. Samantala, masaya si Vic sa kanyang pagbabalik sa MMFF ngayong taon, matapos hindi palaring makapasok ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtampo ba siya sa MMFF committee dahil sa pagkalaglag ng kanyang festival entry last year?

Tugon ni Vic, “Hindi naman.

"Nalungkot ako ng kaunti kasi ilang taon akong sumasama sa parade, kahit papa'no na-miss ko rin.

"Pero yung sumama ang loob ko, never ko naramdaman yun, e.

“So ngayon, makakasakay na ulit ako ng float at makakasama na ulit sa festival.”

Masaya rin si Vic na pagkatapos ng halos dalawang dekada ay muli niyang nakasama sa isang proyekto si Dawn Zulueta.

Sabi niya, “First time na nagsama [kami] sa pelikula.”

Twenty years ago, nagkasama sila sa sitcom na Okay Ka Fairy Ko sa loob ng dalawang taon.


Papuri ni Vic kay Dawn, “Ang galing, maganda... kasi si Dawn naman, mapa-drama, mapa-comedy, okay siya, e.

“E, itong pelikulang ito, hindi lang basta comedy, e.

"Kasi, sabi ko nga kanina, it’s a serious funny movie.”

Sabi pa ni Vic tungkol sa nalalapit na film festival, “Hopefully, mas marami silang mapagpipilian.

"E, tinatawag nilang indie, para sa akin, walang indie, walang mainstream, basta lahat pare-parehong pelikulang Pilipino.”

Bukod kina Vic at Dawn, kasama rin sa Meant To Beh sina JC Santos, Daniel Matsunaga, Sue Ramirez, Andrea Torres, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Baby Baste, at Thou Reyes.  

Ang pelikula ay entry ng OctoArts Films, APT Entertainment, at M-Zet Productions Metro Manila Film Festival 2017. 

Mapapanood ito sa mga sinehan sa buong Pilipinas simula sa December 25. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN