Jake Ejercito insists Maine Mendoza "is just a friend"

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

Nanindigan si Jake Ejercito na magkaibigan lang sila ni Maine Mendoza. Lumabas daw sila, pero may kasama silang ibang mga kaibigan kaya hindi raw ito maituturing na "date."


“It was not a date.”

Ito ang diin ni Jake Ejercito kaugnay ng “sighting” sa kanila ni Maine Mendoza sa isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig, kamakailan.

Dagdag niya, “Maine and I were in a group having fun, so I wouldn’t consider it a date.

“For me, it is a date if there’s only the two of you, the two of us."

Diin pa ni Jake, "Maine is just a friend.”

Sinabi ito ni Jake sa panyam sa kanya ni Ricky Lo para sa "Funfare" column nito sa The Philippine STAR kahapon, December 5.

Nauna nang sinabi ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hindi sila nagdi-date ni Maine.

Hindi pa rin daw siya handang makipagrelasyon kahit matagal na siyang walang girlfriend.

Na-bash nang husto si Jake dahil sa Instagram Story niya kung saan kita ang isang babang  nakatakip ang mukha.

Kalaunan, kinilala ng netizens ang babae bilang si Maine dahil sa suot nitong relo.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito
Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito

Nalungkot ang AlDub Nation, ang fans ng love team nina Maine at Alden Richards, dahil tila wala na talagang pag-asang maging sila sa totoong buhay.

Ayon naman kay Maine, magka-love team lang talaga sila ni Alden.

Sana rin daw ay maaari siyang mamuhay sa labas ng kanilang tambalan.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans

Samantala, itinanggi ni Vic Sotto ang kumakalat na balitang suspendido umano ang Dubsmash Queen sa Eat Bulaga.


Stories We Are Tracking

Vic Sotto denies Maine Mendoza is suspended from <em>Eat Bulaga</em>
Vic Sotto denies Maine Mendoza is suspended from Eat Bulaga


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN