Jameson Blake bashed by ElNella fans after being paired with Janella Salvador?

IMAGE Noel Orsal

Jameson Blake on being affected by bashers: "Well, medyo. Like, if they say something about me na medyo personal na. Of course, I'm not doing naman anything. I'm not fighting with the fans naman, e."


Aminado si Jameson Blake na nakakatanggap na siya ng bashing sa kanyang social media, na pinaghihinalaang mula sa ElNella fans ng tambalang Elmo Magalona at Janella Salvador.

Sina Jameson at Janella ay magkasama sa pelikulang So Connected, na sa 2018 pa ipalalabas ng Regal Entertainment, Inc.

Pero, as early as now, marami na raw nababasa ang Hashtags member na mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Pahayag ni Jameson tungkol sa pamba-bash sa kanya, “Well, to be honest, it's actually happening now, e.

“It's like some people are bashing me on Twitter.

“Mabuti na lang my fans are helping me 'cause I don't want to fight with anyone.

“Ako, as person, I'm a peaceful person. I don't like fights.

“Kahit mga ano sa internet, hindi naman ako umaaway sa Twitter or anything.

“Siguro may mga fans, of course, their loyal to their... if they have another love team, ganun, they'll have an argument, they won't agree with that, so...”

Hindi ba siya naaapektuhan ng mga pamba-bash na ito sa kanya?

Tugon ng Star Magic talent, “Well, medyo.

“Like, if they say something about me na medyo personal na.

“Of course, I'm not doing naman anything. I'm not fighting with the fans naman, e.

“And I'm just telling them how happy I am to work with her [Janella], happy to get the lead role.

“I'm just so connected kasi it's my [biggest] project so far.

“So, I'm just happy about that but I don't wanna be bashed 'cause I'm being paired with Janella, and she's actually paired with Elmo.

“It's not my fault anyway. So, I just let them be.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa grand mediacon ng Regal entry sa Metro Manila Film Festival 2017 na Haunted Forest.

Ginanap ito sa 38 Valencia St., sa Quezon City, noong December 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JANELLA'S REACTION. Ano naman ang nagiging reaksiyon ni Jameson sa mga hindi magagandang sinasabi sa kanya?

May pagkakataon bang sinasagot niya ang mga ito?

Ayon sa 20-year-old Fil-Am actor, “Well, dati kasi, I went through anxiety.

“Pag mga ganung bagay sa instatweets, I'll be really affected.

“But when I went into showbiz, I learned to ignore it, stuff like that.

“Siguro sanayan lang.

"Ngayon, when I see those tweets, naapektuhan din ako ng konti, I just learned to forget about it, cause people can really be... they would disagree sa mga sinasabi.

“They can really be mean. Siyempre, hindi ko kilala ang fans, so that's what they're saying naman.”

Kapag nagkakausap sila ni Janella, napag-uusapan ba nila ito? Nagsusumbong ba siya rito?

Nangiting tugon ni Jameson, “Di naman.

“I'm just makin' it in a joking way na parang, ‘Bina-bash ako ng fans mo.’

“Pero we don't really talk about it kasi...”

Ang sagot sa kanya ni Janella?

Ani Jameson, “Well, she knows na people are really like that. That they can be mean.

“Even siya mismo, she said na she has fans na are mean as well, so we can't control that, e.

“What we're focusing now is yung good work namin, what we're doing for the movie, yung craft namin.

“So, yun ang focus namin.

“We don't really talk about the bashers.

"The fans kasi, expected naman na may mga ganung tao."

Inaasahan na raw niya na kapag malapit nang ipalabas ang So Connected, madadagdagan pa ang kanyang bashers.

Pero sa halip na isipin ito, mas gusto raw niyang bigyang-pansin muna ang pelikulang Haunted Forest na idinadalangin nilang tumabo sa takilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN