Rayver Cruz on Janine Gutierrez: "Lumalabas kami and nanliligaw ako sa kanya."

IMAGE Noel Orsal

Rayver Cruz is in hot pursuit of Janine Gutierrez, and everyone around them is cheering: "Thankful ako sa family niya kasi ang bait nila sa akin. Mga fans niya… yung mga tao sa paligid niya, natutuwa sila. Masaya ako, kumbaga, hindi na ganun kahirap yung pagdadaanan."


Hanggang ngayon ay nananatiling malapit pa lang daw sa isa’t isa sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.

Ito ay sa kabila ng paniniwala ng marami na higit pa sa pagiging magkaibigan ang namamagitan sa dalawa.

Pagbibigay update ni Rayver tungkol sa kanila ni Janine, “Same pa rin po, lumalabas kami pag free.

“Kasi ang dami niyang ginagawa. Nag-start na rin kami ng taping ng Bagani, tuluy-tuloy na rin kami.

“Siya may show, pag may time na puwede kaming magkita, nagkikita kami.”

Ang Bagani ay ang bagong teleserye ng Kapamilya network na magtatampok kina Enrique Gil at Liza Soberano.

Sinabi ni Janine sa isang interview na masaya siya kay Rayver at sa pagiging malapit nila sa isa’t isa.
 
Reaksiyon dito ng 28-year-old actor, “Siyempre, happy rin ako.

“Kung sinabi niya sa ‘yo, e, di okey naman pala.”

Ayon pa kay Rayver, “Matagal ko nang sinasabi kung ano meron kami, masaya kami.

“Ayaw naming madaliin yung mga bagay-bagay. 

“Minsan may mga nagtatanong, 'Bakit hindi pa kayo or bakit ganito pa rin?'

“Hindi na lang namin pinapansin yun kasi masaya kami ngayon. 

“Mas gusto namin na kung maging kami man, kasi mas magandang kilalang-kilala na namin ang bawat isa.

“Sa age namin ngayon, hindi na kami bata para pumasok sa mga bagay-bagay na ganun kabilis.

“Pero I’m very happy na lumalabas kami and nanliligaw ako sa kanya, nae-enjoy ko naman.”

Nililigawan niya si Janine?

Mabilis na sagot si Rayver, “Hindi pa naman kami, di ba?”

Paano niya napapasaya si Janine?

“Binibigyan ko siya ng dance moves,” biro niyang sambit.

Pero seryosong dugtong ng binata, “Siguro habang tumatagal yung samahan, siguro mas nagiging kumportable ka… mas nagiging close kayo.” 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa preview at presscon ng Metro Manila Film Festival 2017 entry na Ang Larawan, na ginanap sa Cinema 8 at Events Place, sa Promenade Greenhills, noong December 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BLANKET APPROVAL. Teenager pa si Rayver nang nakasama niya ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon sa supernatural teleserye ng ABS-CBN na Spirits (2004).

Close na nga raw sila ni Lotlot bago pa niya nakilala si Janine.

Nakangiting sabi ni Rayver, “Sobrang sakto lang, nagkataon din na may samahan na kami ng mama niya.

“Anak-anakan kami ni Ate Lot, kami nina John Wayne [Sace], nina Maja [Salvador] dati sa Spirits, e.”

Magkasundo rin daw sila ng ama ni Janine na si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.

Lahad ni Rayver, “Tapos, si Kuya Monching, sakto lang din parehas kami ng hilig, basketball.

“Sila Diego [Janine's brother], nakakalaro ko pag may time.

“Thankful ako sa family niya kasi ang bait nila sa akin. 

“Kahit sino naman, mabilis na makakasundo yung mga magulang niya, kasi ang bait nila talaga.”

Hindi lang daw si Janine ang natutuwa sa pagtanggap ng pamilya niya kay Rayver, pati rin daw ang fans ng Kapuso actress.

Ayon kay Rayver, “Natutuwa rin ako sa mga fans niya, ang bait sa akin.

“Pag sa Instagram, yung mga tao sa paligid niya, natutuwa sila. 

“Masaya ako na ganun yung sitwasyon. Kumbaga, hindi na ganun kahirap yung pagdadaanan.

“I’m thankful na natutuwa si Ate Lot, mahal ko talaga si Ate Lot ever since pa. 

“Sakto lang din na anak pala niya si Janine.”

NON-ISSUE. Parehong contract stars sina Rayver at Lotlot sa magkalabang networks.

Bagamat si Janine ay nasa GMA-7 at si Rayver naman ay sa ABS-CBN, hindi raw ito isyu sa kanila.

Saad ng aktor, “Never naging issue sa amin or sa akin yung network or kahit anong trabaho.

“Kasi nandito rin ako sa industriyang na ‘to, e, sa kabilang network or sa aking network…

“Hindi naman siguro sagabal yun, magkasama naman kami.

“Hindi kami nag-uusap tungkol sa trabaho, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ngayong Pasko, wala pang malinaw na plano si Rayver kung paano niya ito isi-celebrate.

“Ewan ko kung gustong umalis ng family ko... si Rodjun ang mahilig mag-ayos ng plano.”

May Christmas plans ba naman sila ni Janine?

Tugon ni Rayver, “Siyempre, pag may time na puwede kaming magkita sa Pasko, magkikita kami.

“Pero alam ko umaalis din sila ng family niya, lagi rin silang may plano.

“Holidays naman kasi kaya kasama ang family. 

“Pag may chance na magkita before or after ng Pasko, or basta free siya, siyempre makikipagkita ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN