Vice Ganda on keeping his tweets positive: "There's so much hatred sa social media."

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda on bashers: "Wala nang sapat na advice para ibigay sa kanila. Hindi mo na sila mababago, e."


“Salamat sa lahat ng mga followers on Twitter, sa lahat ng supporters and bashers, thank you so much for following me.”

Ito ang naging mensahe ni Vice Ganda sa parehong supporters at bashers niya.

Noong Lunes, inanunsiyo ng Twitter ang listahan ng Filipino accounts na may pinakamaraming followers.

Si Vice ang nanguna sa listahan, at pinalitan sa puwesto ang kapwa niya It's Showtime host na si Anne Curtis-Heussaff, na ngayon ay nasa ikalawang puwesto.

Sa ginanap na digital conference para sa 2017 Metro Manila Film Festival movie niyang Gandarrapido: The Revenger Squad noong Huwebes, December 7, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nagiging conscious na siya ngayon sa kanyang mga ipo-post sa Twitter.

“Conscious pero at the same time ayaw kong ma-lose yung personality ko,” sagot ni Vice.

“Ayaw kong ma-lose yung brand ni Vice na spontaneous.

“My tweets, they all have to be real all the time, yung hindi siya put on, 'Ay, si Vice 'to, si Vice talaga yung nagsasalita, si Vice ang nagtu-tweet.'”

Para kay Vice, mas mainam na ang mag-impluwensya sa positibong paraan kaysa dagdagan pa ang kaguluhan sa social media.

Aniya, “Conscious ako sa point na ayaw kong gumawa ng gulo.

“May conscious effort ako na hangga't kaya ko, ayaw kong gumawa ng gulo.

“Pero kung di ko kaya, gagawin ko rin naman kung ano ang gusto kong gawin kasi karapatan ko rin naman yun.”

Diin pa niya, “There's so much hatred sa social media, ayaw kong dumagdag sana.

“Pero dahil tao lang ako, minsan may gusto rin akong patulan, hindi para palakihin at awayin siya kundi para maturuan lang din ng leksiyon."

Ang importante ay pipiliin niya kung kelan niya dapat patulan ang isang basher.

“Yung ganun, para masabi na, 'Ay, hindi ko na nga lang din gagawin 'to baka magaya rin ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi talaga kailangan pumitik ka rin, e.

“Kasi, kapag masyado kang mabait, aabusuhin ka.

“Kapag masyado kang tarantada rin naman, mao-okray ka.

“Kaya minsan kailangan maging matalino ka kung kailan mo gagagawin ang mga bagay-bagay.

“Kasi minsan mayroon kang pitik na susuportahan ng mga tao na, 'Sige, give namin sa 'yo 'yang pitik mo, deserve mo naman 'yan.'

“Pero may mga pagkakataon naman na parang OA.”

Pagdating sa social media, ito raw ang laging isinasaisip ni Vice, “As much as possible, I wanna be smarter pagdating sa mga bagay na tinu-tweet ko.”

@praybeytbenjamin says #TheRevengerSquad is full of fun vibes. #ViceGandadigicon

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

SPREADING POSITIVITY. Kapansin-pansin sa mga Twitter post ni Vice ang madalas na pagbibigay niya ng positibong mensahe sa kanyang followers katulad ng mga ito:

Paliwanag ng TV host-actor sa kanyang mga post, “Kasi yung patawa, pwede ko nang gawin sa TV yun, e.

“Kasi dati puro patawa ako sa Twitter, e. Pero yung mag-i-stay... kasi yung mga patawa ko sa TV, hindi naman mag-i-stay.

“Kinabukasan iba na naman ang episode, di ba?

“Pero yung nasa Twitter kasi nag-i-stay siya.

“May mga tao kasi na binabalikan nila ang mga tweets mo, 'tapos binabasa nila ulit.

“Gusto ko mag-stay yung positive na message na yun kasi puwede niyang balikan at puwede niyang magamit sa oras na kailangan niya yung ganung thought.”

Katulad ng nauna na niyang nabanggit, sabi ni Vice, “Sa dami ng ang papangit na eksena sa Twitter, gusto ko magaganda na lang ang nababasa ko.

“Natutuwa ako kasi minsan may tinu-tweet ako na simple lang pero positive pero ang daming retweets, 10,000 retweets.

“Pero kapag patawa lang, okay lang, mga 2,000 retweets.

“Pero kapag positive talaga, mararamdaman mo na, 'Ay, kailangan niya 'yon.”

“May simple nga akong tweet na, 'Gandang umaga sa 'yo, alam ko marami kang pagdadaanan, gusto ko sabihin sa 'yo na kaya mo 'yan,' ang daming retweet."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagpapatuloy niya, "Ang daming nangangailangan na yung tap lang noong oras na 'yon, parang feeling nila na-tap ko sila, na 'kaya mo 'yan, okay ka lang.'

"Kailangan ng tao ng isang tweet na makaka-inspire sa kanila sa isang araw kaysa buwisitin sila."

IGNORING BASHERS. Pagdating naman sa bashers at haters, wala na raw mensaheng maibibigay si Vice.

Katuwiran niya, “Wala nang sapat na advice para ibigay sa kanila. Hindi mo na sila mababago, e.

“Yung mga bashers, kahit anong paalala mo sa kanila, na please huwag nang mang-bash, gagawin at gagawin nila 'yon.

“Unang-una, kasi yun ang gawain nila. Pangalawa, baka trabaho nila, baka kumikita sila kaya ginagawa nila.”

Kaya naman sabi ni Vice, “Ang panalangin ko lang, sana pagkatapos nilang kumita ay magamit nila sa magandang bagay yung pinagkakitaan nila, kung pinagkaperahan man nila 'yon.

“Pagkatapos nilang kumita, maghanap na sila ng ibang trabaho kasi hindi maganda.

“Masama 'yon. Ayaw yun ng Diyos, na gumagawa ka ng isang bagay na magiging sanhi ng gulo sa paligid at sa ibang tao.

“Masamang-masama 'yon, hindi maganda.”

Bagamat nagiging positibo lang si Vice pagdating sa social media, aminado siyang paminsan-minsan ay naapektuhan pa rin ng mga negatibong komentong.

“Kaya ako, hindi na rin ako masyadong nagbababasa. Ayaw ko na rin magpa-affect.

“Kahit gaano ka na katagal sa showbiz, kahit gaano ka na katagal nagtu-tweet, hindi mo masasabing, 'Hindi na ako naa-affect. Sanay na ako,' ma-affect ka pa rin,” sabi niya.

Sa huli, ang nasabi na lang ni Vice, “Basta sa mga bashers, bahala kayo sa mga buhay ninyo.

“Mambuwisit kayo nang mambuwisit, bahala kayo sa buhay n'yo, babalik sa inyo 'yan, may karma 'yan.

“Yung masamang ginawa mo sa kapwa mo, babalik sa 'yo 'yan.

“Kundi man sa 'yong direkta, sa mahal mo sa buhay at mas masakit 'yon. Bahala kayo diyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN