Derrick Monasterio happy reuniting with former love team partner Barbie Forteza

IMAGE Glenn Regondola

Derrick Monasterio feels good about reuniting with former loveteam partner Barbie Forteza for their new movie Almost A Love Story: "Of course, bago, at masaya ako dahil si Barbie ulit ang kasama ko. Partner ko na siya before, and nagkakaroon lang ng nostalgic moments na katrabaho siya, dahil off cam, good time talaga kami palagi."


Masaya si Derrick Monasterio na pagkatapos ng halos tatlong taon ay muli silang magkakatrabaho ni Barbie Forteza.

Ito ay sa pamamagitan ng romcom movie na Almost A Love Story na gagawin nila para sa BG Productions at ididirihe ni Direk Louie Ignacio.

Isu-shoot daw ito sa Italy.

Huling nagkasama ang dalawa sa Kapuso teleserye na The Half Sisters noon pang 2014.

Pahayag ng Kapuso actor sa pagbabalik-tambalan ng kanilang love team na binansagang DerBie, "Of course, bago, at masaya ako dahil si Barbie ulit ang kasama ko.

"Partner ko na siya before, and nagkakaroon lang ng nostalgic moments na katrabaho siya, dahil off cam, good time talaga kami palagi.

"Tawa lang nang tawa, 'tapos sobrang seryoso pagdating ng mga eksena, so marami kang matututunan talaga."

Dahil nga sa ibang bansa gagawin ang shooting nito na aabot nang mahigit isang linggo, marami ang nag-iisip na baka raw madugtungan ang naunsiyaming nakaraan nila noon ni Barbie.

CLOSE FRIENDS. Bagamat meron nang Jak Roberto sa buhay ngayon ng kanyang ka-love team, may mga umaasa pa rin na magkatuluyan sina Barbie at Derrick, lalo na't single si Derrick ngayon.

Natatawang sagot ni Derrick, "Kami naman ni Barbie, yung friendship namin, kahit hindi kami nagkikita, kahit matagal kaming di nagkasama, kapag nagkita kami, ganun pa rin yung bonding namin.

"Ganun pa rin yung closeness namin.

"So yun."

Ibig bang sabihin ay walang dapat ipagselos ang boyfriend ni Barbie?

Tugon niya, "Wala naman siguro. Hindi naman siguro.

"Hindi naman kami magsasama [ni Barbie] sa iisang kuwarto sa hotel. Hahaha!

"So walang point na magselos."

Hindi rin daw siya magiging bantay-salakay na leading man.

Napapangiting sagot niya, "Hindi naman. Siyempre, hindi po.

"Hindi ko naman siya girlfriend."

May mga tagahanga pa rin kasi na nagwi-wish na sana ay sila pa rin daw ang magkatuluyan.

Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 22-year old Kapuso actor, "Hindi ko pa alam talaga. Hindi ko masasabi.

"Bahala na po.

"Hindi namin pinapangunahan ang tadhana, so, bahala na."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa story conference para Almost A Love Story na ginanap sa Max's Restaurant Sct. Tuazon, Quezon City kahapon, December 8.

KISSING SCENE? May inaasahan ba siyang kissing scene o love scene nila sa pelikulang ito?

Aniya, "Ako po, okey lang kahit ano, kasi may tiwala ako kay Direk.

"Kung kailangang-kailangan at yun ang vital scene sa movie, ibibigay ko pa kung ano ang kailangan.

"Kung ano po ang nasa script at napagkasunduan naming lahat, okey lang po ako."

Pero, ayon kay Barbie, hindi naman daw kailangang may ganun silang eksena dahil tatayo naman daw ang istorya na wala ito.

Hindi ba manghihinayang si Derrick kung hindi nga ito mangyayari?

Lahad niya, "Hindi naman, kasi kung manghihinayang ako, parang nagti-take advantage ako.

"And I respect my co-actors kung ano ang gusto nila at kung ano ang okey sa kanila.

"Okey lang sa akin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN