Rayver Cruz squelches network transfer rumors

IMAGE Noel Orsal

Rayver Cruz clarifies rumors that he's leaving ABS-CBN: "Hindi, hindi po ako lilipat. Gumagawa ako ng show sa ABS, Bagani, yung kina LizQuen. Kasi pag hindi ka napapanood masyado sa station, siyempre may mga tsismis na ganun."


Hiningan namin ng comment si Rayver Cruz tungkol sa bali-balitang aalis na raw siya sa ABS-CBN at lilipat sa GMA-7.

Paglinaw niya, “Hindi, hindi po ako lilipat.

“Gumagawa ako ng show sa ABS, Bagani, yung kina LizQuen [Liza Soberano-Enrique Gil].”

Aware daw si Rayver na may kumakalat nga na usap-usapan na aalis na siya sa ABS.

Dugtong niya, “Yes, kasi pag hindi ka napapanood masyado sa station, siyempre may mga tsismis na ganun.

“And matagal na kasi kaming nagte-taping, pero next year pa kasi talaga yung labas nung show.

“So iyon.

“Normal lang naman, kahit dati-dati pa may mga lumalabas na tsismis na ganito.

“Iyon lang, tinatawanan ko na lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa presscon ng Ang Larawan, ang nag-iisang musical film na entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Ginanap ang presscon sa Promenade sa Greenhills nitong nakaraang Huwebes, December 7.

CONTRACT. Gaano katagal pa ba ang kontrata niya sa ABS?

“Ahhh… basta tinatawanan ko na lang,” sagot ni Rayver.

May existing siyang kontrata bilang Kapamilya pero ayaw niyang sabihin kung gaano pa ito katagal.

Diin niya, “Meron, meron, meron pero hindi ko na lang siguro sasabihin kung hanggang kailan.

“Kasi pag sinabi ko, lalo na namang maglalabasan yung mga ano.”

Base sa kanyang reaksyon, parang ang ibig niyang sabihin ay maikli na lamang ang natitira niyang kontrata. Ganito nga ba ang sitwasyon?

Saad niya, “Hindi naman, kaso… hindi pa tapos, hindi pa tapos.”

NOT MOVING TO GMA. So walang katotohanan ang isyu na kaya siya aalis sa ABS ay dahil susundan niya si Janine Gutierrez sa GMA?

“Wala naman, hindi naman.

“Yun lang siguro, dahil nali-link ako kay Janine, mas lalong nati-trigger yung tsismis na lilipat ako.

“Pero iyon naman, hindi naman ako nagpapaapekto sa ganun,” paninigurado niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN