Vic Sotto on Maine Mendoza: "Kapag mahal mo ang ginagawa mo, kahit anong pagdaanan mo, e, kakayanin mo."

IMAGE Arniel Serato

On AlDub, Vic Sotto says, "Wala namang makakabuwag dun. AlDub si AlDub."


Kakaiba ang Meant To Beh kung ikukumpara sa mga nakaraang entry niya sa Metro Manila Film Festival.

Hindi siya masyadong nagko-comedy rito, at ang pagpapatawa ay manggagaling daw kay Baste. 

Si Dawn Zulueta ang leading lady ni Vic, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon ng pelikula sa Anabel’s Restaurant, Tomas Morato, noong December 5.

Ani Bossing (palayaw ni Vic), “Sabi ko nga, serious/funny movie ito. 

"Kasi ako naman, kami ni Dawn, we just react to the situation. If the situation is already funny,  we don’t have to make funny faces. 

"We don’t have to try hard to be funny.”

 Hindi ba nakakapanibago na sa halip na siya, si Baste ang mas nagpapagtawa?

“Hindi naman really kay Baste, it’s more on the situation that is really funny,” pagtatama niya.

“Yun ang nagdadala ng komedya, e.”

Simula 2002, taun-taon nang may entry sa MMFF si Vic. Last year lang siya hindi nakasama dahil binago ang criteria ng mga namamahala ng screening committee.

Halos taun-taon din na ang pelikula niya ang top grosser. Pero hindi na raw nagpapadala si Vic pagdating sa pressure na kailangang mag-top 1 muli ang pelikula niya.

Sabi nga niya, “Hindi ko na iniisip yun. Sa tagal ko sa pagsali rito sa festival. It doesn’t really matter. What really matters to me right now is for the festival to be successful. Mas maraming manood, mas mabuti. Mas marami yung kumita ang pelikula, mas mabuti.

"So I endorse all the movies, pero siyempre, unahin na nila ang Meant to Beh.

"Panoorin nilang lahat. Yung kay Vice [Ganda[, kay Coco [Martin], yung Larawan. Magaganda yung mga pelikula.

"Talagang it should be a merry Christmas for all the moviegoers.”

Aminado naman si Vic na na-miss din niya ang MMFF, "Nakaka-miss talaga. Na-miss ko rin yung sumakay ng float. It’s good be back."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON MAINE. Kasalukuyan namang nasa America ang isa sa Dabarkad na si Maine Mendoza. 

Noong November 28, dalawang araw matapos niyang ilabas ang open letter sa kanyang fans, hindi na nakita si Maine sa Eat Bulaga!

Tila makahulugan ang mga binitawang salita ni Vic nang tanungin siya sa anumang pinagdadaanan ni Maine ngayon.

 “I’m trying,” saad niya.

“I’ve been in the business, and I’ve been in the business for so many years.

"Kapag mahal mo ang ginagawa mo, kahit anong pagdaanan mo, e, kakayanin mo.

 “We cannot judge. We cannot judge anyone for that matter.  Me, I cannot judge. 

"Basta ako, nirerespeto ko kung anuman ang maging desisyon niya.

 “Wala naman kasi akong social media kaya hindi ko alam ang nangyayari, e. Nakiki-update lang ako kay Pauleen [Luna, wife].”

Bilang isang artista na matagal na sa industriya, masasabi ba niyang mas intense ang mga tagahanga pagdating sa pag-idolo sa mga artista na tila sila na ang gustong magpaikot sa puwede lang gawin ng mga iniidolo nila?

“That’s what social media is all about sometimes.  Meron tayong mga iresponsableng users.  Hindi naman lahat ng tao ay responsible.  If you’re into social media, you expect that."

Ginawa niyang halimbawa si Joey de Leon, na kamakailan ay naging kontrobersiyal sa social media dahil sa pahayag nito tungkol sa depression.

“Tulad ni Pareng Joey, nagkakamali. Pero bilang isang matipunong lalaki, nagsu-sorry. Kung alam niyang mali siya, e, sorry.

"Pero ngayon, sabi ko nga, social media. Hindi lahat ng opinyon sasang-ayon sa ‘yo. Kaya nga yata ako nagso-social media para kaibigan ko lahat ng tao.”

Back to Maine, naniniwala naman si Vic na hindi mabubuwag ang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Aniya, “Wala namang makakabuwag dun. AlDub si AlDub. 

"Bakit, yung Guy & Pip ba, kinalimutan niyo na? Hindi, hindi naman. Nandiyan na yun, forever na nandiyan na yun. Nakatatak na sa mga puso natin. Hindi na mawawala yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman ang lahat sa sagot ni Vic nang tanungin ito kung kailan daw ang balik ni Maine. 

“Hindi ko alam. Tanungin niyo sa kanya,” ang kaswal niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN