Loisa Andalio maintains good working relationship with Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Despite rumors that she and former love team partner Joshua Garcia don't talk to each other on the set of The Good Son, Loisa Andalio clarifies that she maintains a good working relationship with him: "Okay naman, di naman kami nahihirapang magtrabaho. Trabaho lang talaga kami."


Katuld nina Elisse Joson at Jerome Ponce, hindi rin nagpapansinan at nag-uusap sa set ng The Good Son sina Loisa Andalio at Joshua Garcia.

Si Joshua kasi ang naunang naging ka-love team ni Loisa pagkatapos nilang lumabas sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Nagkasama pa sila sa afternoon teleseryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? noong 2015. Pero pagkatapos nito ay pinaghiwalay na sila.

Si Joshua ay ipinarehas sa iba, pero ang kilalang ka-love team niya ngayon ay si Julia matapos silang magsama sa mga pelikulang Vince and Kath and James at Love You To The Stars And Back.

Nagkasama rin sila sa isang episodes ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Maging si Loisa ay iba-iba rin ang nakapareha.

Ipinares siya kay Yves Flores sa Be My Lady, kina Jameson Blake at Mark Oblea sa My Dear Heart at Wansapanataym: My Hair Lady, at kay Jerome Ponce sa Wansapanataym: Candy Crush.

Nabalita rin na nagkaroon ng mutual understanding sina Loisa at Joshua, pero natapos din ito nang ipareha ang aktor kay Julia Barreto, at doon na nga umusbong ang kanilang relasyon na hindi pa rin nila inaamin, bagamat marami nang mga kapwa-artista nila ang nagkumpirma rito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal at Cinema News kay Loisa, nagbigay pahayag sa amin ang aktres na maayos ang working relationship nila ni Joshua at bilang mga propesyonal na artista ay matagumpay nilang naitatawid ang hinihingi ng kanilang mga trabaho.

Lahad niya, “Okay naman, di naman kami nahihirapang magtrabaho.

“Trabaho lang talaga kami.

“Actually, iba rin kasi dressing room ng babae saka mga lalake.

“Kapag nagpunta kami, alam namin na mag-eeksena kami, ganun lang.

“Sa akin, kasi naman tinanggap ko yung trabaho na ganito, kaya di ako nag-e-expect.

“Parang tinaggap ko ang trabahong ito na alam kong magtatrabaho ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng di pagpapasinan nina Elisse-Jerome at Loisa at Joshua, inasahan naman ng aktres na magiging maganda talaga ang kalalabasan ng tatakbuhin ng istorya ng The Good Son at mainit itong tatanggapin ng mga manonood.

Dagdag niya, “Actually, ine-expect ko naman, nandun si Joshua, si Jerome, NLEX, Maclisse, napakalakas nila kaya ine-expect ko na maganda ang patutunguhan ng show.”

GGV GUESTING. Sa nakaraang guesting ni Loisa sa Gandang Gabi Vice, kasama noon sila Elisse at binuko ni Vice na sila Ronnie at Loisa na raw pero di pa lang umaamin ang mga ito.

Reaksyon ni Loisa tungkol dito, “Si Ate Vice? Wala, kasi si Ate Vice mahilig talaga siyang mangganyan, mangbuko.

“Wala naman, masaya naman.

“Paano ba sasabihin?

“Masaya kami, masaya kami sa private life namin at siyempre sa kanya-kanya naming career.

“Relationship? Wala pa naman, di kami nagmamadali.

“Darating pero di nagmamadali.

“Lumalabas kami pag wala kaming work. Exclusively dating, ganun.”

IN BETTER HEALTH NOW. Marami sa mga fans ng aktres ang nag-alala dahil kamakailan ay naospital si Loisa.

Sa ngayon ay maayos naa ng kalagayan ni Loisa at balik ito muli sa trabaho.

Masaya niyang pahayag, “Okay na, magaling na ako, nakapag-taping na.

“Gastritits, siguro may nakakain ako na di dapat kong kainin.

“Minsan nakakalimutan din sigurong kumain sa oras.

“Salamat sa mga fans na nag-alalala.

“Nag-update naman ang Mama ko saka yung PA ko na okay na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN