Ruru Madrid considers Alden Richards his mentor in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid (left) bags the role in an upcoming Kapuso primetime series that was previously offered to Alden Richards (right). Ruru said that he considers the Pambansang Bae his mentor in showbiz. 


Itinuturing na mentor ni Ruru Madrid si Alden Richards dahil tagapagbigay umano niya ng payo ang tinaguriang Pambansang Bae.

Magkasama ang dalawang aktor sa Kapuso Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

Nagkataon namang si Ruru ang magbibida sa isang teleserye na unang in-offer kay Alden, ang Sherlock Jr.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ruru kung ano ang pakiramdam na napunta sa kanya ang naturang role.

Pahayag niya, “Sabi ko nga, every time na tinatanong ako, masaya ako dahil nabigay rin sa akin itong project na ito dahil para ibigay kay Alden, ibig sabihin, it’s a big project.”

Nakausap ng PEP.ph si Ruru sa birthday celebration niya, kasama ang fans, na inorganisa ng GMA Artist Center sa The Cave restaurant, sa Scout Lazcano, Tomas Morato, Quezon City, noong Huwebes, December 7.  


Dugtong ng 22-anyos na aktor, “Sa ‘min naman po ni Alden, wala yun.

“Kumbaga, siya po yung nagtuturo sa akin ever since.

"Like, nung bago pa lang ako, siya ang nagsasabi sa akin kung paano dapat makisama sa mga tao sa lahat, even sa mga crew and staff.

“So, si Alden, parang kuya ko na talaga siya. Siya yung laging nagtuturo sa akin.”

Mayroon bang paalala sa si Alden tungkol sa kanyang teleserye na ipalalabas sa 2018?

Ayon kay Ruru, “Well, wala naman siyang sinabi, pero every time nagkikita kami, lagi siyang nagtatanong, ‘Kamusta? Kamusta yung soap? Kamusta yung story?’ ganyan.

“So, sa akin, okay naman po. Kumbaga, hindi pa rin niya nakakalimutan na magpaalala.”

SUPPORTIVE OF RURU. Sa hiwalay na interview, kinumpirma ni Alden na in-offer nga sa kanya ang title role sa Sherlock Jr., subalit nagkaroon ng pagbabago sa istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin daw siyang napunta ito kay Ruru.

Sabi ni Alden, “Okey lang naman po sa akin yun, not really a big deal.”

Papuri pa ng 25-year-old actor kay Ruru, “The potential of Ruru Madrid is really there.

“Si Ruru, nakakasama ko siya sa Sunday PinaSaya.

“He has the potential as an actor, talagang pinaghihirapan niya lahat ng roles na binibigay sa kanya.

“He deserves to have a lead [role] in soap opera in primetime.”


Stories We Are Tracking

Alden Richards does not mind being replaced by Ruru Madrid
Alden Richards does not mind being replaced by Ruru Madrid


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN