Andrea Torres not on speaking terms with rumored ex-boyfriend Sef Cadayona

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on falling for a guy who's in a relationship: "Hindi mangyayari yun, e, sure ako. Kasi, parang sa akin, kapag meron nang commitment yung lalaki, ano na yun, off-limits na yun, siyempre."


Kahit magkasama sila sa gag show ng GMA Network na Bubble Gang, hindi raw nag-uusap sina Andrea Torres at Sef Cadayona.

Umugong noon ang balitang nagkaroon ng relasyon sina Andrea at Sef, at kahit hanggang napabalitang naghiwalay na sila ay walang pag-amin na naganap mula sa kanila.

Sabi ni Andrea tungkol kay Sef, “Hindi po kami friends, e. Ano po, magkasama kami sa work.”

Paano kapag nagkikita sila sa taping?

“Professional, normal naman.”

Nagkakausap sila?

“Pag sa eksena po,” sagot ni Andrea.

Walang personal na tsikahan?

“Opo! Hindi naman po kami ganung friends. Parang more on ano lang... magkasama sa work.”

Hindi nag-approach sa kanya si Sef para finally ay magkausap sila?

“Ay, wala naman po kaming kailangang pag-usapan,” sabi ng Kapuso actress.

May awkward moment?

“Ah, hindi, okay lang, sa akin okay lang, hindi naman awkward.”

Ano ang naramdaman niya nang ma-link si Sef kay Maine Mendoza noon?

“Sana happy sila... kung totoo.”

Sila ba?

“Hindi ko alam, e!” at tumawa si Andrea.

“Di ba, every time na may nali-link sa isa’t isa, parang, ‘Ay, talaga? Sana happy sila,’”

Wala raw siyang alam kung anuman ang namagitan kina Sef at Maine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa grand presscon ng Metro Manila Film Festival (2017) entry na Meant To Beh noong nakaraang linggo.

THIRD PARTY? Sa pelikula ay gumaganap siya bilang third party sa relasyon ng mga bidang sina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Sa tunay na buhay, may tsansa bang magkagusto o magmahal si Andrea ng isang lalaking may karelasyon na?

Mabilis niyang tugon, “Hindi mangyayari yun, e, sure ako.

“Kasi, parang sa akin, kapag meron nang commitment yung lalaki, ano na yun, off-limits na yun, siyempre.”

Paano kung ang lalaki ang magkagusto sa kanya?

“Ay! Nasa babae naman yun, e, kung paano mo dadalhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As long as hindi ka gagawa ng anything na mali-lead on mo yung lalaki, e, di okay lang yun.

"Kung hahanga siya sa iyo, mag-a-admire siya sa iyo, okay lang yun.

"Pero hindi naman yun gagawa ng kasalanan or anything kung wala kang ipapakita sa kanyang motibo para lapitan ka. Gets mo? Yung ganun.”

Pero minsan, kahit walang motibo na ipinapakita ang babae ay nilalapitan pa rin ng lalaki.

“Humindi ka lang nang humindi! Umiwas ka.”

May mga nahindian na ba siya?

“Parang wala naman. Wala naman.”

Hindi raw siya kailanman mang-aahas ng asawa ng may asawa.

“Oo, never! Ano 'yan, nasa Ten Commandments 'yan.”

Paano kung siya naman ang inahas o inagawan ng karelasyon?

“Pag ako ang inahas? Sa ‘yo na!” tawa ni Andrea.

Hindi niya ipaglalaban kapag inagawan siya ng boyfriend?

“Hindi! Nagpadala ka, e, so diyan ka na.”

Kahit mahal na mahal niya?

“Opo. Di ba, sabi nila, importante daw yung trust, love, and respect?

"Pag may isang nawala, doomed na yung relationship."

Naranasan na ba niyang may umahas sa boyfriend niya?

“Wala naman po. Wala naman po.”

BONDING WITH FAMILY THIS CHRISTMAS. Samantala, simple lang daw ang wish ni Andrea ngayong darating na Pasko. 

"Kumain ng marami!" natatawang bulalas niya.

“Gustung-gusto ko yun pag Pasko, e. 

"Kasi si Mommy, nagluluto ng lahat ng kakainin namin, so alam mo yun?

"Pag nanay, alam talaga ang panlasa mo.

"Tsaka parang tanggap talaga na puwede kang kumain ng marami hanggang midnight, kasi Pasko."

Wala ba siyang takot na baka tumaba siya?

“Wala, i-gym na lang natin after. Pang-downtime talaga yun.

“At saka siyempre, bonding with the family.

"Hindi lang yung family ko mismo pati yung mga cousins ko, mga reunion, looking forward ako diyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN