Jak Roberto awed by Barbie Forteza's birthday surprise

IMAGE Noel Orsal

Jak Roberto wishes JakBie fans to continually support him and his rumored girlfriend Barbie Forteza.


Natuwa raw si Jak Roberto sa ginawang birthday surprise ng rumored girlfriend niyang si Barbie Forteza kamakailan.

Hindi raw niya ito inaasahan dahil alam ni Jak na imposibleng makapunta si Barbie sa location ng taping niya ng weekly drama na Tadhana.

Kuwento ng 24-year-old Kapuso actor, “Guest lang ako sa show, so hindi ako nag-expect ng cake, ng surprise, lalo na siya.

“Ka-text ko siya that time... nasa isang lugar siya na malabong pumunta sa Tagaytay.

"Sa Tagaytay kasi ang location namin.

“Tapos yun nga, sunud-sunod ang setup namin at saka mga eksena.

"Ang bilis lang ng pacing ng taping namin na yun.

“Maya-maya, sabi ko, parang fifteen minutes na wala pang nangyayari.

“Change lang daw ng setup, may inaayos lang daw na ilaw.

"Parang unusual kasi buong maghapon talaga na tuluy-tuloy.

“Namalayan ko, alas-dose na pala, may kumakanta na, may dala ng cake.

"Kasama nga dun si Barbie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at bloggers na naimbitahan sa birthday party na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanya kahapon, December 12.

Maligayang kaarawan sayo. Okay, back to work hahaha! Galingan mo. #Tadhana

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Dahil daw sa ginawa ni Barbie, ayon kay Jak, “Sobrang naa-appreciate ko naman yung effort niya.

"Para pumunta run, na ang layu-layo at sobrang late na.

“Sobrang pasalamat ako sa kanila at sa production.”

Samantala, nagpapasalamat din si Jak sa fans na patuloy na sumusuporta sa tambalan nila ni Barbie.

Naging popular ang tambalan nila sa nakaraang teleserye nila na Meant To Be.

Umaasa siyang patuloy pa rin ang suporta ng fans kahit magkaiba ang mga proyektong kanilang pinagkakaabalahan sa ngayon.

Ani Jak, “May mga nagko-comment pa rin, mga nanonood ng Meant To Be, mga Team Andoy pa rin, sana raw magkaroon ng project.

“Parehas naman kaming may project, siya may pelikula, ako naman may Contessa.

“Happy naman kami na parehas kaming busy.

“Sobrang nagpapasalamat pa rin kami sa mga taong nakakapit pa rin at sumusuporta sa JakBie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN