Are JM de Guzman and Meg Imperial back together?

IMAGE Instagram @ronnieldeguzman1

JM de Guzman and Meg Imperial in a series of wacky photos posted via the Instagram story of the actor's dad Ronniel de Guzman.


Tila nanunumbalik ang magandang pagtitinginan sa pagitan nina JM de Guzman, 29, at Meg Imperial, 24.

Ito ay sa kadahilanang makailang-beses na silang namamataang magkasamang lumalabas kamakailan.

Noong December 11, nagbahagi si JM ng larawan kasama ang kapatid niyang lalaki at si Meg na kumakain sa isang hindi pinangalanang restaurant.

Mismong ama ni JM na si Ronniel de Guzman ay nagbahagi rin ng ilang larawan nina JM at Meg na kuha kamakailan.

Una na rito ay ang collage ng iba’t ibang wacky photos ng rumored couple.


Tila nanunukso pa ang ama ng aktor sa caption nitong "paparazzi" sa kuha nitong larawan nina JM at Meg habang namamasyal sa isang hindi pinangalanang lugar.

Makikita ang mga larawang ito sa Instagram stories ni Ronniel, na nailathala sa Philippine Daily Inquirer online news site kahapon, December 14.

PAST ROMANCE. Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 5, 2015, inamin ni Meg na minsan na silang nagkaroon ng “mutual understanding” ni JM.

Ngunit naudlot ito nang pormal na magkabalikan sina JM at Jessy Mendiola noong April 1, 2015.

Pagkalipas ng humigit-kumulang anim na buwan, Oktubre ng taong iyon ay naghiwalay rin sina Jessy at JM.

Sa parte naman ni Meg, hindi raw nawala ang malasakit niya kay JM sa kabila ng naunsiyaming espesyal na pagtitinginan nila noon.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong January 23, 2016, sabi ni Meg, “Ako naman kasi, although everyone knows naman what happened to us, never akong nagkaroon ng sama ng loob sa kanya.

“I'm always there for him, to support him na naka-recover…

“I want to be that kind of person who will support him.”


Stories We Are Tracking

Meg Imperial stands by JM de Guzman through thick and thin
Meg Imperial stands by JM de Guzman through thick and thin
<p>Meg Imperial admits short-lived relationship with JM de Guzma

Meg Imperial admits short-lived relationship with JM de Guzma



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN