Andrea Torres slams basher comparing her to Marian Rivera

IMAGE Noel Orsal


Sinagot ni Andrea Torres ang isang online basher na inalipusta siya at ikinumpara pa sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.  

Tinawag na “malandi,” “di maganda,” “feelingera,” at “retokada” ng basher na may Instagram handle na @juasdweras si Andrea.

Sa comments section ng isang post ng Kapuso artist sa Instagram, nag-comment ang basher at ikinumpara si Andrea kay Marian. 




Ito ay kaugnay ng hindi mamatay-matay na isyu ng diumano’y hidwaan sa pagitan ng dalawang aktres ng GMA-7.

Magkatrabaho sina Andrea at Dingdong Dantes, asawa ni Marian, sa ongoing Kapuso teleserye na Alyas Robin Hood.  

Inalipusta ng basher si Andrea.  

Bahagi ng komento, “[Y]ung ganda ni Marian walang retoke,  hindi tulad mo na kailangan pang dumaan sa salamat doc at makapal na make up para gumanda lang.”

Hindi ito pinalampas ni Andrea at sinagot ang basher.  

Maiksi subalit matapang na sagot ng aktres, “Remind lang din kita,  wala akong pakialam.”

Sunud-sunod naman ang mga komento ng netizens na karamihan ay kumampi at ipinagtanggol si Andrea mula sa basher.  




March ng kasaluyang taon nang nasulat ang diumano’y pagkakaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang aktres dahil sa umano’y pagseselos ni Marian kay Andrea.

Dati nang sinagot ni Marian ang isyu at itinanggi ang pagkakaroon nila ng iringan ni Andrea.

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN