Vice Ganda reveals he attempted to commit suicide when he was young

IMAGE Allan Sancon

Vice Ganda reveals he nearly took his own life when he was a teenager.


Ibihanagi ni Vice Ganda ang tangka niyang pagpapakamatay o suicide noong kanyang kabataan.

Sa "Tawag Ng Tanghalan" sa episode ng It’s Showtime ngayong December 16, Sabado, ibinahagi ng isang contestant na overseas Filipino Worker sa Japan, ang mataas na suicide rate sa bansang iyon.

Inamin ng Unkabogable Star na tinangka niyang mag-suicide noong kabataan niya dahil sa pagkasawi sa pag-ibig.

“[Y]ung suicide, super bad idea. Alam mo ba, na nagpakamatay din ako,” na ang tinutukoy ay ang pagtatangka niyang kitlin ang sariling buhay.

“Kasama ‘yan sa MMK ko,” pagtukoy pa ng comedian-host sa Kapamilya show na Maalaala Mo Kaya.

Sa puntong iyon ay inilahad ni Vice kung bakit naisipan niyang mag-suicide.

“Sixteen years old, nag-try akong mag-suicide because of heart break,” pag-amin niya.

Malaki raw ang kanyang pasasalamat at hindi siya natuluyan dahil napagtanto niya na makakatulong pala siya sa pamilya at sa publiko bilang performer.

“Buti na lang talaga hindi ako natuluyan.

“Ngayon ko nari-realize yung katangahan kong yon.

“Kung nagtagumpay yung katangahan kong ‘yon, di sana hindi ko nararanasan yung mga nararanasan ko ngayon, 'di ba?

“E, di sana hindi ko nabigyan ng magandang buhay yung nanay ko.

“Kung natuluyan ako noon, e, di sana hindi ko kayo napapasaya ngayon.”

Payo ni Vice, kailangang maging matalino sa mga desisyon sa buhay upang hindi magsisi sa huli. 

“Kaya we have to be very wise sa mga desisyon natin, kasi isang maling katangahan, hindi na natin talaga maibabalik.

“Kung hindi man natuloy ang mga pinapalano n’yo sa buhay n’yo, mas maganda ang pinaplano ng Greatest Planner of all time, ng Diyos.

“Ang ganda-ganda ng plano sa akin ni Lord.

“Buti na lang 'di ako natuluyan,” ani Vice.  

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN