Former Starstruck alumna Jade Lopez to wed October 2018

IMAGE Instagram @missjadelopez

Starstruck alumna Jade Lopez says its a dream come true that she and fiancé Rocky Ficcion will tie the knot at the Manila Cathedral on October 22, 2018: "Talagang pinag-pray ko na sa Manile Cathedral kami ikasal. Kahit na alam kong suntok sa buwan dahil fully-booked for the whole year ang simbahan na iyon. Natuwa naman kami ni Rocky dahil nabigyan kami ng slot at sa mismong birthday ko pa which is October 22."


Pagkatapos niyang ma-engage noong January 2017, ikakasal na sa October 2018 ang Starstruck alumna na si Jade Lopez.

Sa October 22 ang wedding date ni Jade sa kanyang fiancé na si Rocky Ficcion at magaganap ito sa Manila Cathedral.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jade noong nakaraang December 11 sa Firestarters office sa Timog Avenue, Quezon City, pinagdasal daw niya na maganap ang wedding nila sa Manila Cathedral.

DREAM WEDDING VENUE. Kuwento niya, “Talagang pinag-pray ko na sa Manila Cathedral kami ikasal...

“Kahit na alam kong suntok sa buwan dahil fully-booked for the whole year ang simbahan na iyon.

“Natuwa naman kami ni Rocky dahil nabigyan kami ng slot at sa mismong birthday ko pa which is October 22.

“Talagang meant na ikasal kami sa historical church na iyon.

“Tsaka ang wedding date naming falls on a Monday, kaya siguro may available na araw kasi bihira ang may kinakasal ng Lunes.”

Originally ay sa Misibis Bay sa Bacacay, Albay sana ang venue ng wedding ni Jade at Rocky.

Pero napagkasunduan nila na baguhin ang original plans nila.

Dagdag niya, “Doon gusto ni Rocky kami ikasal kasi ang ganda ng chapel doon.

“So tiningnan naman namin. Kung doon kami ikakasal, konti lang ang maiimbitahan namin.

“Siguro aroung 20 people lang.

“E, gusto namin ni Rocky na makapunta lahat ng family members, relatives at friends namin.

“Lalo na si Rocky na galing sa malaking pamilya.

“At sa totoo lang, nalalayuan din ako at nakakapagod ang biyahe.

“Ang iniisip ko ay ang magiging kalagayan ng tatay ko.

“Baka mahirapan na siyang bumiyahe pati na ang ibang senior na bisita namin.

“Kaya we talked about it at iniba na namin ang venue.

“Sa Manila na lang kami ikasal para lahat ng gusto naming imbitahan ay makapunta.

“Baka sa Misibis Bay na lang kami mag-honeymoon.”

WEDDING PREPS. Punung-abala si Jade sa wedding preparations. Para raw ma-feel niya ang pagiging bride niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “So far, paisa-isa ang inaayos namin.

“Hindi pa ako sobrang stressed. Hindi pa ako bridezilla!

“Nahirapan lang ako sa mga babaguhin na mga personal documents tulad ng pag-change ng family name sa mga IDs, passport, driver’s license.

“Tapos, schedule for couple seminar, meeting with the suppliers.

“Lahat iyon pagdadaanan ko next year na.

“Kaya nire-ready ko ang sarili ko dahil malaking bagay ito para sa amin.

“Ang color motif namin is gold and pink. It’s an unusual combination, pero iba kasi ang dating, e.

“Walang masyadong gumagamit ng ganyang colors sa wedding.

“But we will make it work.

“Yung wedding dress naman, I want it to be simple but romantic and elegant.

“May design na akong gusto, designer na lang ang kailangan ko.

“May mga naiisip na akong tatawagan and hopefully, may isa roon na makaka-execute ng dream wedding dress ko.”

Ang kapwa Starstruck fellow alumna niyang sina Cristine Reyes at Stef Prescott ang dalawa sa magiging bridesmaids ni Jade.

Halos lahat daw ng female friends ni Jade ay may mga asawa’t anak na, kaya baka raw wala nang maganap na throwing of the wedding bouquet.

“Nalaman ko nga na lahat ng female friends ko ay hindi na single.

“So sino pa ang sasalo ng bouquet?

“Ngayon kung si Sheena [Halili] ay single pa sa araw ng wedding ko, iaabot ko na lang sa kanya ang bouquet!

“Para siya na ang next na bride!” natatawa niyang lahad.

BABY PLANS. Gusto raw magka-baby agad ni Jade after ng kanilang wedding.

Kung siya ang masusunod, dapat daw sana ay mabuntis na siya after the honeymoon dahil gusto na raw niyang magka-baby.

“Bukod sa 30 na ako, siyempre ang parents ko, gusto na nilang magka-apo.

“Kaya gusto ko nang magbuntis after kaming ikasal.

“Tatlong anak lang ang gusto ko, pero si Rocky, gusto raw niya ay sampu!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyam ang mga kapatid niya. Masaya raw kapag marami at magulo.

“Ako kasi, isa lang ang naging kapatid ko. Tapos, hindi pa kami masyadong nag-aaway kaya tahimik lang sa bahay.

“Kaya gusto ko tatlo, para medyo maging magulo.

“Sure ako na may isa roon na makulit at mang-aasar sa mga kapatid niya,” tawa pa niya.

SHOWBIZ CAREER. Tuloy pa rin daw sa showbiz si Jade kahit na may asawa na siya.

Mina-manage na siya ngayon ng Firestarters Manila, ang management office ng Kapuso comedienne na si Divine Aucina at ng The Voice Teen Philippines finalist na si Nisha Bedana.

“Okey naman akong mag-showbiz pa rin kahit na married na ako.

“I just signed up with Firestarters at may mga projects daw sila sa akin next year.

“Gusto kong magkaroon ng regular na teleserye at gumawa ng mga indie films.

“The last teleserye I did was Alyas Robin Hood. Tapos sa movies, I did Die Beautiful last year.

“Kung magaganda naman ang mga projects, e di makakatulong pa ‘yan sa wedding ko.

“Hopefully, matuloy lahat ng plano bago ako ikasal at mabuntis,” pagtatapos ni Jade.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN