Did Vic Sotto court Dawn Zulueta during their Okay Ka, Fairy Ko! days?

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto and Dawn Zulueta previously portrayed a couple in the '90s fantasy series Okay Ka, Fairy Ko! Did Vic ever attempt to court Dawn? Read on to find out. 


Niligawan ba ni Vic Sotto si Dawn Zulueta nang magkasama sila sa fantasy-comedy series na Okay Ka, Fairy Ko! noong mid-'90s sa GMA Network?

“Ako niligawan niya. Binasted ko siya,” biro ng Eat Bulaga! host sa pocket press conference ng Meant To Beh, isa sa official entries ngayong Metro Manila Film Festival 2017.

Ginanap ang presscon sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, ngayong Lunes, December 18.

Kuwento naman ni Dawn, “Ang daming nagtatanong niyan sa akin, ‘Hindi ka ba niligawan ni Vic Sotto?’

"Nag-cross nga sa mind ko, ‘Bakit?’

"'Kasi lahat ng leading lady niya, nililigawan niya.'

“Na-insecure ako. Hindi naman ako niligawan.

"Parang wala naman ata akong naramdaman."

Ayon kay Vic, wala siyang niligawan sa tatlong aktres na gumanap bilang Faye sa Okay Ka, Fairy Ko!, mula ‘80s hanggang ‘90s.

“Wala naman akong niligawan dun.

"Nagsimula ako kay Alice Dixson, Tweetie de Leon, at finale ko, siyempre [ang] bigat—Dawn Zulueta.

“Biruan lang yun,” sabi ng 63-year-old comedian-TV host.

Pareho single sina Vic at Dawn noong magtambal sila sa TV series, subalit hindi raw talaga umabot sa ligawan.

“Oo, dalaga pa ako at I was starting to date Anton,” pagtukoy ni Dawn sa kanyang asawa, si Davao del Norte Second District Representative Anton Lagdameo.

Si Vic naman ay magda-dalawang taon nang kasal sa Eat Bulaga! co-host niyang si Pauleen Luna.

Saad pa niya, “Ako rin, marami akong ka-date noon.

“Hindi naman porke leading lady mo, pe-pursue mo. It takes more than that.

"Siguro at that time, busy na siya. Busy rin ako sa mga activities ko. Mga kemerut."

Hirit pa ni Vic, “At that time, we were really not ‘meant to beh.’”

Samantala, inamin ni Dawn na bata pa lamang siya ay nanonood na siya ng Eat Bulaga! at nagka-crush siya kay Vic.

“Lumaki po ako na pinapanood ko po ay Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung medyo bata pa ako, crush ko na talaga si Bossing. Mga 12 ako.

“Naging crush ko siya doon,” sabi ng 48-year-old actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN