Alden Richards brings his family to Japan for Christmas

IMAGE Nerisa Almo

Why did Alden Richards choose Japan for his first trip abroad with his family? He replied, "Favorite country ko kasi 'yan, e."


Espesyal daw ang Pasko ni Alden Richards ngayong taon dahil sa unang pagkakataon ay makakapamasyal siya sa ibang bansa kasama ang kanyang buong pamilya.

“My family and I, we're flying to Japan for the holidays. We're gonna spend Christmas there,” banggit ni Alden nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan tungkol sa kanyang Christmas plans.

Patuloy niya, “It's the first time ng family ko to go out of the country as a group, kasi puro dito lang kami.

“Very excited ako kasi parang I told them na yung pangingibang bansa ko the past two years, kulang siya when you're not with the presence of the people that you love.

“So, yung family ko, it's their time to experience what I've been experiencing.

“Kumbaga, parang it's my gift to them.”

Ang unang plano raw ni Alden ay magpunta sa Europe. Pero dahil sa sitwasyon ng kanyang grandparents, pinili niya ang Japan, na isa mga pinakagusto niyang destinasyon kapag nagta-travel.

“Well, it's supposed to be in Europe, but the doctors of my grandparents advised them that they cannot travel long anymore.

“So, nag-adjust na lang ako, kasi mahirap na, long flights and medyo foreign country siya.

“To lessen the casualties, I opted to pick the country nearest to the Philippines,” ani Alden.

Ngayong taon, lubos pa rin ang pasasalamat ng Kapuso heartthrob dahil sa patuloy na pagpasok ng iba't ibang oportunidad sa kanyang showbiz career.

Para sa darating na bagong taon, hiling ni Alden na magpatuloy pa ang blessings na nakukuha niya.

Hirit pa niya sa huli, “Next year, sana makapag-travel pa ako a lot with family, kasi iba rin yung experience na kasama ko sila.”

Umalis si Alden at ang kanyang pamilya papuntang Japan ngayong Martes, December 19.

Sayonara! ????

A post shared by Daddy Bae© (@daddy__bae) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN