Vic Sotto, Sharon Cuneta attest to Gerald Sibayan's love for Ai-Ai delas Alas

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto (left) and Sharon Cuneta (right) are confident that Ai-Ai delas Alas (center) has finally found her "forever" in husband Gerald Sibayan. Ai-Ai and Gerald finally tied the knot last December 12 after three years of being together. 


Kumpiyansa si Vic Sotto na magtatagal ang pagsasama ng bagong kasal na sina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan.

Ito ay sa kabila ng halos 30 taon ang agwat ng kanilang mga edad. Naging magkasintahan sila sa loob ng tatlong taon bago nagpakasal.

Ikinasal ang 53-year-old comedienne sa 24-year-old badminton coach nitong December 12 sa Christ The King Church, sa Quezon City.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan's star-studded wedding
Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan's star-studded wedding
Ai-Ai delas Alas glimmers in Frederick Peralta wedding gown
Ai-Ai delas Alas glimmers in Frederick Peralta wedding gown

Sa pocket press conference ng kanyang Metro Manila Film Festival entry na Meant To Beh nitong Lunes, December 18, kinunan ng mensahe si Vic para sa kaibigan at katrabahong si Ai-Ai.

“Mas maraming pinagdaanan sa akin yun. Palagay ko, alam na niya,” pabirong simula ng 63-anyos na actor-comedian

Sundot pa ni Vic, “Isa lang ang sinabi ko sa kanya, ‘Ai, kahit anong mangyari, last na ‘yan, ha.’ Sabi naman niya, ‘Okay.’”

Bago niya pinakasalan si Gerald, dalawang beses nang ikinasal si Ai Ai—kina Miguel Vera at Jed Salang. Pareho itong nauwi sa hiwalayan.

Bilib din daw si Vic kay Gerald.

“And personally, I think last na niya talaga niya yun dahil kilala ko yung guy—mabait tsaka mahal [niya si Ai-Ai].”

SHARON ATTESTS TO GERALD’S LOVE. Maging ang Matron of Honor ni Ai-Ai sa kasal na si Sharon Cuneta ay humahanga kay Gerald dahil saksi raw siya kung gaano nito kamahal ang komedyana.

Sa isang post ni Ai-Ai, nagkomento ang Megastar.

Sabi ni Sharon, “I love you so much my BFF and also lab ko na ri si Ge kasi sobra ka niyang love and he makes you so happy. I will be here for you forever. Walang iwanan.”

Nagpasalamat naman si Ai-Ai kay Sharon para sa kanilang pagkakaibigan.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN