Ai-Ai delas Alas slams fans for their ridiculous speculations: "Tingin ko, diyan narindi si Maine."

IMAGE Instagram photo of Ai-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas on bashers: "walang kwentang tao naman yang mga yan... yan lang alam gawin... and sabi nga, para kang sumabunot sa kalbo pag patol ka."


Sinita ni Ai-Ai delas Alas ang ilang fans na nagbibigay ng ibang kahulugan sa kanyang Instagram post kahapon, December 18.

Ito ay isang video na kuha mula sa Christmas party ng Sunday PinaSaya.

Makikita rito na inikot ang camera sa mga kasamahan ni Ai-Ai sa table at sa katabing table, kabilang sina Julie Anne San Jose at Alden Richards.

Ilang fans na may malikot ang pag-iisip ang di napigilang magbigay ng negatibong komento sa post ng Comedy Queen.

Binigyang kulay nila ang pagtatabi nina Alden at Julie Anne, na na-link noon.

Isang netizen ang pumuna sa fans na nagkomento at sinabing, “Ito na naman Ang mga fans na lahat na lang binibigyan ng kahulugan ultimo pagkurap ate. Susmio! Pwede ba! Mga tao din yan!

"Anong dapat iisyu dito? Na magkatabi sina alden at @myjaps? Utang na loob! Haha!

"Miss @msaiaidelasalas deadmahin nyo nalang po sila. Hindi ikaasusulong ng bansa ang mga reaksyon nila.”

Sinang-ayunan naman ito ni Ai-Ai.

Sabi niya, “Yes deadma, pero isa lang sabihin ko, bago magsalita isip din muna wag mag paka bobo

"kasi si alden e nasa kabilang lamesa, asawa ko nag vi video at masaya ang party namin at saka lahat na lang binibigyan ng kahulugan.”

Kasunod nito, sinabi ni Ai-Ai na maaaring ang ganitong ugali ng fans ang dahilan kung bakit panandaliang nawala ang ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza.

“Kaya tingin ko dyan narindi si maine kaka ganyan nyang mga fans na yan sobra namimihasa...”


Sa isa pang comment, nabanggit ng Kapuso star na kahit ang kanyang anak na si Sophia ay nakatikim din ng pangba-bash.

Sabi niya, “Pati nga si soph binabash nyang mga yan kawawa naman anak ko

"sabagay walang kwentang tao naman yang mga yan... yan lang alam gawin... and sabi nga para kang sumabunot sa kalbo pag patol ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa kabila ng mga negatibong komento, may ilan din namang bumati sa bagong kasal na si Ai-Ai:



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN