Myrtle Sarrosa honored to be a muse for Barangay Ginebra

IMAGE Courtesy of Myrtle Sarrosa

Myrtle Sarrosa was thrilled to be the muse for Barangay Ginebra San Miguel during the opening of PBA's 43rd season last December 17. "I really wish them luck this season and I hope they bring another championship."


Para sa Kapamilya star na si Myrtle Sarrosa, isang espesyal na pangyayari ang maging muse ng basketball team ng Ginebra San Miguel noong opening ng 43rd season ng Philippine Basketball Association (PBA). Nangyari ito noong Linggo, Disyembre 17.

"Nagulat talaga ako when they told me that I would be the muse for Ginebra in this season's opening," kuwento ni Myrtle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via private messaging sa Facebook. 

"E, huge Ginebra fan pa talaga yung family ko.

"Kaya when I told my family, they were all really excited.  

"May halong pressure rin kasi the Gin Kings are the recent back-to-back champions in the Governor's Cup and is everyone's favorite.

"Kaya medyo na-pressure rin ako."

Dagdag pa ng young actress, hindi raw niya makakalimutan ang naging karanasan bilang muse.

Aniya, "It's definitely a one-of-a-kind experience.

"I'm grateful for the cheers from a different crowd.

"Nagpapasalamat ako sa nga Kabs [kabarangays] sa support."


Si Myrtle din ang 2018 calendar girl ng Ginebra San Miguel. Para sa kanya, isang highlight ang makilala ang players ng Gin Kings.

"I really enjoyed meeting all the players and carrying the Ginebra banner during the opening.

"Natuwa rin ako talking to the players.

"'Tapos, nakausap ko ulit si Scottie [Thompson].

"Before, I was the host and courtside [reporter] for NCAA and I interviewed him a lot.  

"Nakakatuwa na dito kami magkasama ngayon.

"I also got the chance to meet my fellow Ilonggo, Paolo Taha.  

"I really wish them luck this season and I hope they bring another championship," saad niya.

BASKETBALL FAN. Aminadong isang basketball fan si Myrtle kaya ganun na lang ka-big deal sa kanya ang maging muse, at para sa isa sa mga paboritong koponan pa niya.

"I am," pag-amin niya.

"I was previously a host and courtside reporter for NCAA during its season 91 and 92 kaya mas naging fan ako ng basketball because of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Tapos, Barangay Ginebra fan pa talaga yung family ko kaya sumama sila talaga sa opening night.

"Excited sila na makita sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Sol Mercado, Japhet Aguilar, and everyone from the team in person."

Nakahanda naman daw si Myrtle na pagkatapos niyang maging sexy calendar girl, posibleng malinya siya sa mature at sexy roles.

Pahayag niya, "I don't mind naman taking on more challenging roles.

"I love acting and playing different characters kaya kung may dumating man na role, I'll definitely consider it."

Sa ngayon, kasama si Myrtle sa cast ng 2017 Metro Manila Film Festival entry ng Regal Films na Haunted Forest.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN