Maine Mendoza resurfaces on Instagram: "Life is short. Smile often."

IMAGE Courtesy: Instagram @mainedcm

Balik-Instagram si Maine Mendoza matapos ang isang buwang hindi niya pagpaparamdam sa kanyang followers. 


Matapos siguruhin ng kanyang management na magbabalik si Maine Mendoza sa Eat Bulaga! sa January 1, 2018, muling nagparamdam ang phenomenal star sa kanyang Instagram followers.

Ngayong Miyerkules, December 20, pagkatapos ng isang buwang pananahimik, nag-post si Maine ng kanyang larawan na kuha sa U.S.

Sabi ng Dubsmash Queen sa caption: “Life is short. Smile often.”

Life is short. Smile often. ????

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Sa kasalukuyan, umani na ito ng lagpas 155,000 likes at 6,000 comments.

Bago ito, ang huling post ni Maine sa Instagram ay noon pang November 19, 2017.

Kasunod nito, ang pansamantala niyang paglisan sa Eat Bulaga! upang magkabasyon sa Amerika kasama ang kanyang buong pamilya.

Makikita rin sa Instagram Story ni Maine ang kuha nilang magkakapatid sakay ng rollercoaster sa Universal’s Islands of Adventure sa Orlando, Florida.


Nagpahinga muna sa showbiz si Maine mula nang mabatikos ng fans dahil sa pakikipag-group date kasama si Jake Ejercito.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza pours her heart out in open letter to fans
Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito
Maine Mendoza answers netizen asking about Jake Ejercito

Samantala, ang ka-love team ni Maine na si Alden Richards ay nasa Japan ngayon kasama rin ang pamilya nito.


Stories We Are Tracking

Alden Richards brings his family to Japan for Christmas
Alden Richards brings his family to Japan for Christmas


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN