Kapamilya stars Coco Martin, Pokwang congratulate Paolo Ballesteros for his new house

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros gets well wishes for his new house from fellow celebrities, including Kapamilya stars Coco Martin, Pokwang, and Aiko Melendez. 


Binati ng ilang ABS-CBN stars si Paolo Ballesteros sa paglipat nito sa kanyang bagong bahay sa Antipolo, Rizal.

Nag-post ang Eat Bulaga! host ng larawan ng kanyang bagong bahay sa Instagram.

Home sweet home! ??????????????????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Sa comments section ay nag-iwan ng mensahe ang Kapamilya stars na sina Coco Martin, Pokwang, Kaye Abad, at Aiko Melendez.

Nakipagkulitan pa si Paolo kay Pokwang, na bagong kapitbahay niya sa nilipatang bahay.

Pagbati ni Pokwang sa 35-year-old na Kapuso actor-TV host, “Congratula[t]ions sa bonggang pa housing project mo!!! deserve mo naman yan bongga ka! Paakkk!!!”

Idinaan din ni Coco Martin sa Instagram ang pagbati kay Paolo.

Comment ng Ang Probinsyano star: “Wow… Congrats Pochoy!!!”

Tila kinilig pa si Paolo sa pagbati sa kanya ni Coco: “@mr.cocomartin yii salamat! Labyu.”


Ilan pa sa mga nagkomento at pumuri sa bagong three-storey house ng Die Beautiful star ay sina Aiko Melendez, Kaye Abad, at dating Kapuso singer na si Janno Gibbs; gayundin ang Kapuso actor na si Rocco Nacino. 





September 2016 nang simulang itayo ang bagong bahay ni Paolo. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN