Maine Mendoza sends message of support to Hashtag Franco Hernandez's girlfriend

by Arniel C. Serato
Dec 21, 2017
Nagpaabot ng suporta si Maine Mendoza (kanan) kay Janica Nam Floresca (kaliwa), girlfriend ng namayapang Hashtags member na si Franco Hernandez. Ayon pa sa phenomenal star, nakaka-in love daw ang mga litrato at videos nilang magkasintahan. Alam din daw niyang nakagabay kay Nam ang pumanaw na boyfriend. 

Nagpakita ng suporta ang phenomenal star na si Maine Mendoza kay Janica Nam Floresca, girlfriend ng namayapang Hashtag member na si Franco Hernandez.

Si Franco ay naging bahagi ng It's Showtime ng ABS-CBN, samantalang si Maine ay miyembro ng katapat na show nito na Eat Bulaga! ng GMA Network.

Sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa Instagram, nagpadala ng mensahe si Maine kay Nam.

Sabi ni Maine: “Hi Janica! I might not know you (and Franco) personally but I really want to send you a message just to say that you are both lucky to have each other.

“Just by looking at your IG feed, naiinlove ako sa photos and videos niyo together.

“Such a beautiful couple!

“I know he’s always around to look after you! Stay strong!”

Ibinahagi naman ito ni Nam sa kanyang Instagram Story kagabi, December 20.

Paglalarawan pa ni Nam kay Maine: “Beautiful inside and out.”

Continue reading below ↓


Si Franco ay namatay dahil sa pagkalunod sa Davao Occidental noong November 11.

STORIES WE ARE TRACKING

Matapos ang tatlong linggo, eksklusibong ibinahagi ni Janica sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang buong pangyayari noong magbakasyon sila ni Franco, kasama ang ilang kaibigan, na nauwi sa malagim na trahedya.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaabot ng suporta si Maine Mendoza (kanan) kay Janica Nam Floresca (kaliwa), girlfriend ng namayapang Hashtags member na si Franco Hernandez. Ayon pa sa phenomenal star, nakaka-in love daw ang mga litrato at videos nilang magkasintahan. Alam din daw niyang nakagabay kay Nam ang pumanaw na boyfriend. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results