Lucy Torres-Gomez to daughter Juliana: "'Wag kang paliligaw sa kalye!"

IMAGE Glenn Regondola

Congressman Lucy Torres-Gomez's advice to her 17-year-old daughter Juliana about having suitors: "Sabi ko sa kanya, 'Normal lang naman na may manligaw... Let them come to the house.'"


Hindi pa raw handang maging lola si Representative Lucy Torres-Gomez, kagaya ng kanyang asawang si Ormoc Mayor Richard Gomez.

Seventeen years old pa lang daw ang anak ng representative ng 4th district of Leyte na si Juliana Gomez.

Wala raw magulang na gugustuhing makapag-asawa nang masyadong maaga ang anak.

Pahayag ni Lucy habang natatawa, "Of course not!

"Seventeen pa lang si Juliana, and I'm only twenty-seven [years old]" pagbibiro niya.

"Hanggang ligaw lang sila, and alam naman ni Juliana na...

"Sabi ko sa kanya, 'Normal lang naman na may manligaw.

"'Pero 'wag kang paliligaw sa kalye!’"

"'Let them come to the house."

Yun raw ang dapat gawin ng mga lalaking may interes sa kanilang unica hija.

Aniya, "I still want the traditional... I want to know who her friends are.

"I want na kung may gustong manligaw, manligaw ka sa bahay."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lucy sa art exhibit ng kanyang asawang si Richard na ginanap sa Pinto Art Museum, sa Antipolo noong December 17.

Hindi pa raw naiisipng ni Lucy na tatawagin na siyang "mamita" sa mga oras na ito.

Natatawa pa rin niyang sabi, "Ay wala pa talaga. Ha-ha-ha!

"Nakakaloka, okray!

"Hindi pa talaga, hindi ko ma-imagine."

Kahit daw ang kanyang mister ay hindi pa handa.

Saad ng 43-year-old congresswoman, "I think naman, any father ay hindi pa handa.

"Parati kong sinasabi kay Richard na it's inevitable.

"But ayoko namang lumaki si Juliana na may takot [magpaligaw] kasi, it's not a bad thing.

"It's a beautiful thing to fall in love, 'di ba?  Na may nanliligaw.

"It's part of a girl's life, so in some part, she will experience that.

"Ang sa akin lang talaga, she has to be with the right man, so I can only pray."

Ano ang love advice niya sa kanyang dalagita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "I always tell her na, ‘Juliana, 'wag kang magmadali.

"Kasi sa ngayon, ang liit-liit pa ng mundo mo, heto pa lang ang nakikita mo.

"'But when you go to college, you meet more people, mas marami ka pang makikilala.

"'No reason to just have one boyfriend, when you can have many, many friends.’

"Yun ang lahat ng line ng mga magulang, 'di ba?"


Stories We Are Tracking

Richard Gomez reveals daughter Juliana has suitors now
Richard Gomez reveals daughter Juliana has suitors now
Richard Gomez warns Juliana about having a boyfriend
Richard Gomez warns Juliana about having a boyfriend

ARTISTIC HUSBAND. Samantala very proud si Lucy sa pagkahilig ng kanyang asawa sa pagpinta.

Noon pa man ay alam na raw niya na may kakayahan si Richard sa larangang ito.

Aniya, "Napapadalas... sa tingin ko lang, ha, it's his stress reliever

"Siguo from all the work... in his capacity now as a public servant.

"So, mapapansin niyo sa works niya, it's expressive of all what he'd gone through.

"Nadaanan ng Yolanda, nadaanan ng earthquake, it's all about Marawi."

Hindi naman daw siya nagseselos kahit na ang oras ng asawa ay napupunta na sa pagpipinta.

Giit ni Lucy, "Ay hindi naman.

"Kasi, habang nagpi-paint naman siya, nandun din lang kami.

"Nandun din lang kami na nagkukuwentuhan."

May contributions ba siya sa art work na ito ni Goma?

Sagot ni Lucy, "Not so much.

"By the time na nandun ako, yari-yari na.

"The most siguro that he'll ask for my opinion, ‘Honey, what do you think about this?’

"Yes, I have a favorite painting niya, it's called, Winter is coming.

"It reminds me of Games of Thrones," pagtukoy niya sa hit na Hollywood TV series. 

"At saka yung tungkol sa Yolanda."


Stories We Are Tracking

Richard Gomez tackles disasters in one-man art exhibit
Richard Gomez tackles disasters in one-man art exhibit


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN