PEP YEARENDER 2017: John Lloyd Cruz, Isabelle Daza, Joey de Leon, other celebs draw flak on social media

by Nerisa Almo
Dec 28, 2017
This year, several personalities—including John Lloyd Cruz, Isabelle Daza, and Joey de Leon—were criticized by netizens following the celebrities' controversial social media posts.

Ngayong mas nagiging popular na ang iba't ibang social networking apps, mas madali na para sa Pinoy netizens ang magbahagi ng impormasyon.

Sa isang click lang, agad naise-share ang anumang naka-public na Facebook status o Twitter post ninuman.

Dahil dito, mahirap nang maiwasan ang pagba-viral ng kung anumang i-post ng celebrities lalo pa't kung may pagkakontrobersyal ito.

Ngayong taon, ilang personalidad sa showbiz ang binatikos dahil sa mga nai-post nila sa social media.

Narito ang ilan sa kanila.

“DIZ IZ ME LEARNING.” Umani ng iba't ibang opinyon ang mga viral video ng kilalang aktor na si John Lloyd Cruz, kunsaan makikita siyang tila lasing habang kumakanta, sumasayaw, at kung anu-ano pa ang ginagawa.

Ang mga ito ay kuha sa bakasyon nila ng starlet na si Ellen Adarna at ilang pang mga kaibigan sa Bantayan Island, Cebu.

A post shared by portal (@ekomsi) on

Bilang artistang iniidolo ng publiko, kasama na ang mga kabataan, marami ang nadismaya sa nakita nilang inaasal ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

Hindi naman nagtagal ay humingi ng paumanhin ang isa sa prime actors ng ABS-CBN.

Sa isang Instagram post, sinabi ng 35-year-old actor, “diz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty.”

STORIES WE ARE TRACKING

ARTSY POOP PHOTO. Tila hilig din ni John Lloyd ang magbahagi ng “raw beauty” sa kanyang mga social media posts.

Ilang linggo matapos niyang humingi ng tawad para sa controversial videos, muli siyang naging usap-usapan dahil sa pag-post niya ng larawan ng dumi ng tao sa inidoro.

Habang may ilan na naiintidihan si John Lloyd dahil sa interes nito sa sining, marami naman ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at pagkabahala para sa aktor.

Kasunod nito, ilang beses ding nag-post si John Lloyd ng likha ng American contemporary visual artist na si George Condo, na kilala rin bilang “Jesus.”

A post shared by portal (@ekomsi) on

Walang anumang naging pahayag ang aktor sa mga nasabing post.

Continue reading below ↓

Hindi rin naman siya huminto sa pagbabahagi ng kanyang “artistic shots” sa kanyang Instagram account.

Gayunpaman, kung pagbabasehan ang bilang ng kanyang followers, masasabing mas dumami ang nagkainteres na sundan siya sa Instagram para makita ang marami pa niyang kuha ng mga likhang sining.

STORIES WE ARE TRACKING

XANDER FORD VS KATHRYN BERNARDO. Agad na binalot ng kontrobersiya ang nagsisimula pa lamang na showbiz career ni Xander Ford, na dating kilala bilang Marlou Arizala, dahil sa paglabas ng luma niyang video.

Sa naturang video na kuha sa loob ng isang bus, maririnig na kinukutya ni Xander ang lead actress ng La Luna Sangre na si Kathryn Bernardo.

Hindi ito nagustuhan ng nakararami, lalo pa't halos bago pa lang ang pag-anunsyo ng transformation ni Marlou bilang Xander.

Hindi man direktang sumagot si Kathryn, kapansin-pansing may kaugnayan dito ang post ng popular young star tungkol sa cyberbullying.

Continue reading below ↓

Ilang Kapamilya stars din ang nag-post ng mensahe bilang pagsuporta kay Kathryn, kabilang na si Karla Estrada, ang ina ng ka-love team ni Kathryn na si Daniel Padilla.

STORIES WE ARE TRACKING

Samantala, sa panayam ng PEP kay Xander, paulit-ulit siyang humingi ng paumanhin kay Kathryn at Daniel dahil sa maling nasabi niya noong siya ay si Marlou Arizala pa lang.

Nangako rin siyang magbabago na, lalo pa't nais talaga niyang tumagal sa industriya.

JOEY ON THE BEACH. Naging mainit din sa mga mata ng maraming netizens ang throwback photo ni Joey de Leon na kuha sa Dead Sea.

Continue reading below ↓

Sa tingin nila ay naging insensitive ang host ng longest noontime show na Eat Bulaga! sa kanyang caption na: “Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!”

Ang caption na ito ay binura na ni Joey.

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on

Halos kapapanaw pa lamang kasi noon ni Franco Hernandez, isa sa mga miyembro ng all-male dance group na Hashtags ng It's Showtime.

Si Franco ay nalunod sa isang aksidente habang nagbabakasyon sa Davao kasama ang girlfriend niya at pati na rin ang kapwa Hashtags member na si Tom Doromal.

Hindi man pinangalanan si Joey de Leon, maraming nakapansin sa tweet ng It's Showtime host na si Teddy Corpuz na tila reaksiyon ito sa post ng una.

Aniya, “Sana binigay mo na lng muna sa amin ang maipagluksa ang kaibigan at kapatid namin, kahit isang araw lang. Kahit ngayon lang.

“Nakakalungkot ka po. Ipapag pray po kita na gabayan ka ng puong Maykapal.”

Continue reading below ↓

Matinding galit naman ang naging reaksiyon ng Hashtags member na si Paulo Angeles.

Aniya, “Tanda mo na bastos ka pa. Wala akong pake kahit sikat ka. Mga joke mo wala sa lugar. Sobrang bastos mo.”

Sa isang panayam, sinabi ni Paulo na nasaktan siya sa post ng beteranong TV host kaya siya nakapag-tweet ng ganun.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa kontrobersiya si Joey.

Nauna na rin siyang binatikos dahil sa salungat na pananaw nila ni Maine Mendoza tungkol sa depression.

Agad naman siyang humingi ng paumanhin sa kanyang pagkakamali.

STORIES WE ARE TRACKING

“ALDEN IS SINGLE.” Hindi lamang local celebrities ang binatikos ng Pinoy netizens dahil sa kanilang social media posts.

Umani rin ng hate messages ang Thai host na si Ning Saraika dahil sinabi niyang nabanggit daw ni Alden Richards na single siya.

Sa Instagram video ni Saraika, maririnig na inilalarawan ni Alden ang kanyang role sa 2014 GMA primetime series na Carmela, na ipapalabas sa Thailand.

Ipinaliwanag ni Saraika na ang bahagi kung saan sinabi ni Alden na single siya ay hindi kasama sa video.

Continue reading below ↓

Sinabi pa niya sa kanyang paliwanag na sinabi ito ng Kapuso aktor “to please his Thai fans,” bagay na lalong ikinagalit ng ilang fans ng ka-love team niyang si Maine Mendoza.

Kinalaunan, napatunayan namang single si Alden dala ng isang open letter ni Maine Mendoza sa kanyang sariling fans.

Dito ay sinabi ng 22-year-old Eat Bulaga! co-host, “For all the love and efforts you have given us, you deserve to know the truth that at this very moment Alden and I are just friends. We are a love team.”

STORIES WE ARE TRACKING

JAKE'S PHOTO OF MAINE. Iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens nang mag-post sa Instagram Story si Jake ng larawan ni Maine Mendoza na tinatakpan ang kanyang mukha.


Continue reading below ↓

May ilang natuwa dahil suportado nila ang manaka-nakang tambalan ng dalawa sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga!

Pero tila mas maraming nagalit dahil kilalang kapareha si Maine ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Naging kapansin-pansin naman ang tweet ni Jake Ejercito na “Not my daughter please” noong kasagsagan ng isyung ito.

Samantala, sinagot ni Maine ang fans na paulit-ulit nagtatanong kung ano ang tunay na relasyon nila ni Jake.

Aniya, “Huh? We are friends! May mali po ba doon?”

Matapos maglabas ng kanyang open letter, madalas nang mag-absent si Maine sa Eat Bulaga!

Ayon sa Triple A talent manager na si Rams David, magbabalik-telebisyon si Maine simula 2018.

STORIES WE ARE TRACKING

ISABELLE DAZA'S INSENSITIVE POSTS. Tatlong beses nang nabatikos ang actress-TV host na si Isabelle Daza dahil sa diumano'y pambabastos niya sa kultura ng ibang bansa.

Una, maraming netizens ang nagalit sa kanyang Instagram Story kunsaan sinabi niyang: “Buy this hat for my Africa looks or FEED children in Africa for the same price?”

Continue reading below ↓

Agad naman itong binura ni Isabelle at humingi ng paumanhin sa mga na-offend ng kanyang post. Paliwanag niya, “It actually didn't translate the way it did in my head.”

Pangalawa, hindi rin nagustuhan ng mga netizens ang pagsusuot ni Isabelle at pinsan niyang si Georgina Wilson ng communist caps sa Tiananmen Square.

Makasaysayan ang lugar na ito dahil sa mga taong namatay habang nagpo-protesta laban sa Chinese government para sa demokrasya noong 1989.

STORIES WE ARE TRACKING

Muli siyang na-bash ng netizens dahil sa Instagram Story nitong nagpapakita ng disgusto umano sa paraan ng pagbibigay ng calling card, na madalas na ginagawa ng mga Japanese.

Pero depensa ni Isabelle, may inside joke daw sila ng kanyang kapatid tungkol sa post na ito.

“It annoys me sometimes that my sister does it because she’s not Japanese,” aniya.

STORIES WE ARE TRACKING

#BELIKEMARIA. Madalas na nagiging laman ng social media si Maria Isabel Lopez dahil sa prangka at nakatatawang mga pahayag niya.

Continue reading below ↓

Pero ngayong taon, matindi ang naging dahilan ng pagiging viral niya sa social media.

Ito ay nag-ugat sa walang pakundangang paglabag niya sa batas trapiko noong kasagsagan ng ASEAN Summit sa Metro Manila noong Nobyembre.

Ipinagmalaki ng dating beauty queen sa kanyang Facebook account ang pagtanggal niya ng traffic barriers at pagpasok niya sa ASEAN lane sa kahabaan ng EDSA.

Agad itong inulan ng batikos mula sa netizens, lalo pa't marami ang nagtiis sa matinding traffic na idinulot ng ASEAN lane.


Continue reading below ↓

Dahil sa insidenteng ito, ipinawalang-bisa ng Land Transportation Office ang driver's license ng dating beauty queen.

STORIES WE ARE TRACKING

PIA WURTZBACH MUM ON EJK. Pinuna ng ilang netizens si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nang mag-tweet ito tungkol sa halos sunud-sunod na pagkamit ng Pilipinas ng titulo sa iba't ibang beauty pageants.

May ilang nagsabi na mas pinahahalagahan ito ni Pia kaysa sa mas seryosong isyu ng bansa, tulad ng mga extra judicial killings—na tinatawag ding summary killings o state-sponsored killings o plain murders—na naiuugnay sa war on drugs ng kasalukuyang gobyerno.

Mas naging negatibo pa ang tingin ng ilan dahil kasunod nito ay nag-block si Pia ng ilang mga pumupuna sa kanya.

Hindi man tuwirang sinagot ni Pia ang pambabatikos sa kanya, makahulugan ang kanyang sumunod na Twitter post, kunsaan sinabi niyang: “I am very much pro life.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This year, several personalities—including John Lloyd Cruz, Isabelle Daza, and Joey de Leon—were criticized by netizens following the celebrities' controversial social media posts.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results