Comedian Donita Nose misses Willie Revillame this Christmas season

IMAGE Noel Orsal

Comedian and former Wowowin co-host Donita Nose (left) thanks Willie Revillame (right) for giving him his biggest break, which soon opened more doors for him in his showbiz career: "Walang Donita Nose kung wala yung Wowowin at si Kuya Wil. Kasi siya talaga nag-umpisa ng lahat, kung ano ako ngayon."


Kung may mami-miss daw ngayong Pasko ang komedyanteng si Donita Nose, ito ay walang iba kundi ang tinuturing niyang kuya na si Willie Revillame.

Kahit hindi na napapanood si Donita GMA-7 variety show na Wowowin, malaki pa rin daw ang utang na loob na tinatanaw niya kay Willie.

Marami kasi ang nagulat nang biglang mawala si Donita sa naturang variety show ni Willie.

Sa simula pa lang kasi ng Wowowin sa Kapuso network, nakasama na ni Willie si Donita Nose bilang isa sa co-hosts niya.

Sa naging interview ni Donita sa 24 Oras noong nakaraang December 15, nilinaw ni Donita na walang naging problema sa pagkawala niya sa Wowowin.

Maayos daw ang naging pag-uusap nila ni Willie at nirerespeto niya ang paliwanag nito kung bakit hindi muna siya mapapanood sa Wowowin.

Pagklaro niya, “Wala akong sama ng loob kay Kuya Wil.

“Sobra-sobrang pasasalamat ko sa kanya sa naitulong niya sa akin.

“Kasi hindi naman ako mapupunta sa Celebrity Bluff kung hindi naman ako nakita sa Wowowin.

“Hindi ako mapupunta ng Dear Uge kung hindi rin sa Wowowin.

“Hindi ako mapupunta ng kahit anong show dito sa GMA kundi dahil sa Wowowin.

“Kaya, sa kanya nag-umpisa ang lahat.”

THANKFUL. Malaki raw kasi ang nabago sa buhay ni Donita Nose noong mabigyan siya ng break sa Wowowin.

“Sabi ko nga sa kanya, utang na loob ko yung mga nangyayari ngayon sa buhay ko.

“Isa ito sa pinakamahalagang nangyari sa buhay ko na naging artista ako, na nakilala ako kahit papaano.

“Siya ang nagbigay ng break sa akin na parang bilang ganito nga, bading, alam kong minahal naman ako ni Kuya pagdating sa show.

“At saka sobrang love ko ‘yun.

“Actually, sabi ko nga sa kanya, walang Donita Nose kung wala yung Wowowin at si Kuya Wil.

“Kasi siya talaga nag-umpisa ng lahat, kung ano ako ngayon, kung ano si Tekla ngayon,” pagmamalaki pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MESSAGE FOR WILLIE. Nagpaabot pa ng isang mensahe si Donita Nose kay Willie ngayong Araw ng Pasko.

Lahad niya, “Thank you Kuya.

“Mahal kita, alam mo ‘yan.

“Mahal na mahal kita kahit na hindi tayo magkasama ngayong Christmas dahil marami kang ginagawa sa show mo, pero still nandito pa rin naman ako para sa 'yo,”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN