Kris Aquino proud of Bimby's response to bashers calling him "homosexual"

IMAGE Instagram (@krisaquino)

Actress-host Kris Aquino took to Twitter to speak up on the issue of some people assuming her 10-year-old son Bimby is a homosexual.


Nag-react ulit si Kris Aquino sa pagtawag ng ilang netizens sa kanyang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap na isang “homosexual” o gay.

Naunang tinalakay ng mag-ina ang isyung ito sa video ng house tour ni Kris sa social media, kung saan nabanggit ng TV host-actress na hindi madali ang maging anak ng kagaya niyang sinusundan parati ng isyu.

Sabi ni Kris, "It's not easy to be my kids because wherever they go, di ba, may social media, may mga issues, may mga ano..."


Stories We Are Tracking

Bimby Aquino Yap responds to gay rumors about him
Bimby Aquino Yap responds to gay rumors about him

Bukod kay Bimby, ang isa pang anak ni Kris ay ang 22-anyos na si Joshua, anak ng TV host kay Phillip Salvador.

Si Bimby ay anak ni Kris sa kanyang ex-husband na si James Yap.

KRIS SPEAKS UP. Maikli ang dagdag na pahayag ni Kris sa pamamagitan ng Twitter posts ngayong Martes, December 26.

Ni-repost ng 46-year-old TV host-actress ang reaction ng isang netizen na ipinagtanggol si Bimby.

Kalakip nito ang video grab kung saan nag-react si Bimby sa pagdududa ng iba sa kanyang kasarian.

Unang tweet ni Kris: “I am doing my very best to raise a well informed & respectful son. Thank you for recognizing that.”

Susuportahan din daw niya ang anak kung anuman ang magiging choices nito.

“I only pray that he shall remain kind-hearted, compassionate, responsible, studious, hardworking, articulate, determined and respectful.”

Ipinagmamalaki rin daw niya si Bimby “that he has much thicker skin than me in dealing with bashers, trolls, and negativity."

Sabi pa ni Kris, “So come what may I know I have raised not a follower, not just a survivor, but a self assured leader,” panghuling tweet ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN