Kris Aquino hits back at netizen criticizing her for wanting to work with Alden Richards

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino slams netizen for criticizing her for wanting to have an acting project with Alden Richards.


Inalmahan ni Kris Aquino ang isang netizen na pinuna ang kagustuhan niyang makatrabaho sa isang acting project si Alden Richards.

Nitong Huwebes, December 28, nag-post si Kris sa Instagram ng video grab kung saan sinabi niyang fan siya ng Pambansang Bae.

Caption ni Kris sa kanyang post, gusto niyang makatrabaho ang 25-year-old Kapuso actor at gumanap silang mag-ina sa isang proyekto sa GMA Network.

Ibinahagi rin ng 46-year-old TV host-actress na nakatanggap siya ng text message mula kay Alden, matapos nitong mapanood ang pahayag ni Kris tungkol sa kanya.

Sabi ni Kris: “Certified @aldenrichards02 fan! I was thrilled to see a thank you text from him because he must have gotten word about all i said in the Merienda w/ Kris we uploaded.

"Work wish for 2018- to play Alden’s mom in a project.

"Hopefully a drama w/ a bit of realistic funny moments exploring the love & complexities of a single mom & her grown up son... just me imagining Bimb & me 15 years from now...

"di na ko mahihiya, libreng mangarap so i’m tagging @annettegozon of GMA FILMS & @gmanetwork."

KRIS HITS BACK. Isang netizen ang nag-react sa comments section.

Sinabihan nito si Kris na mag-alaga na lamang ng anak at "majonda" [matanda] na siya.

Hinalungkat pa ng basher, na may handle name na ruthsmith5327, ang mga nakarelasyon ni Kris na nauwi sa hiwalayan.

“Nakailang lalaki ka na ba? Tama majonda ka na!” bahagi ng komento ng netizen.


Hindi ito pinalampas ni Kris.

Pinuna niya ang basher sa pagkakaroon nito ng “low comprehension skills.”

Diin ni Kris, “I said my dream project was to PORTRAY HIS MOTHER.

“[I] don’t mind intelligent criticism but i take offense at poor comprehension.”


Kamakalawa ay naisulat sa PEP.ph ang pag-amin ni Kris sa kanyang online video na Merienda w/ Kris na malaki ang paghanga niya kay Alden

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi ng pahayag ni Kris tungkol sa Kapuso actor: “I love Alden. I'm really a fan. Talagang tuwang-tuwa ako sa kanya, you know, kasi ang bango-bango niya tingnan, di ba?”


Stories We Are Tracking

Kris Aquino swoons over Alden Richards:
Kris Aquino swoons over Alden Richards: "I'm a fan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN