Derek Ramsay's camp explains his 20-peso joke

IMAGE Allan Sancon

Ipinaliwanag ng producer ng All of You na si Atty. Joji Alonso na may nag-abot lang kay Derek Ramsay (nasa larawan) ng twenty pesos pag-akyat nito sa stage upang tanggapin ang kanyang Male Star of the Night award. Pinagbigyan lang daw ng aktor ang hiling sa kanyang gawing biro ang pagkakamali ng presenter na 20 pesos ang cash prize ng winner sa halip na P20,000.


Sa ngalan ni Derek Ramsay, may paliwanag ang producer ng All of You tungkol sa isyu ng pagbibiro ng aktor sa 43rd Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival, na ginanap sa Kia Theatre, noong December 27.

Base sa pahayag ni Atty. Joji Alonso, award-winning producer ng Quantum Films, may nag-abot lang kay Derek ng dalawampung piso.

At nang panahon ding iyon ay clueless daw ang aktor sa special award na napanalunan nito.

Hindi rin daw alam ni Derek na nagkamali pala ang female award presenter sa announcement ng cash prize ng mga nagwagi bilang Male and Female Stars of the Night—sina Derek at Erich Gonzales.

Sa halip na P20,000 ang sabihin ay twenty pesos ang nasabi ng presenter.

Pahayag ni Atty. Alonso sa text message na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "When his name was called, he didn't even know what he won.

"Puro kami biruan sa side namin. Nagulat na lang siya na tinawag ang name niya.

"He was not aware what the joke was all about (people laughing at the 20 buckle).

"When he reached the foot of the stairs, Arnell Ignacio and Mr. [Noel] Ferrer, who were seated together, gave him the 20-peso bill and told him to say thank you and poke fun at the 20-peso prize.

"He simply obliged. But with not the least intention to offend anyone, kasi hindi nga siya aware about the buckle, kaya when he returned to his seat, he asked us pa, 'What did i just win?'

"Then we teased him that he treats all of us with his cash prize."

Dagdag pa ni Atty. Alonso—na mas kilala sa industriya bilang Atty. Jojie: "Here's a trivia about Derek. He does NOT carry cash with him kaya impossible that the 20 pesos came from him.

"Hope this clarifies things."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Derek din ang itinanghal na Best Actor para sa pagganap niya sa All of You.


Stories We Are Tracking

MMFF 2017 winners bared; Derek, Joanna win top acting honors
MMFF 2017 winners bared; Derek, Joanna win top acting honors
Here are bloopers of the MMFF 2017 awards night
Here are bloopers of the MMFF 2017 awards night


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN