Watch Now

Kris Aquino slams troll for calling Erich Gonzales "kabit ni Paul Soriano"

by Bernie V. Franco
Jan 3, 2018
Kris Aquino goes on "beast mode" after a troll called Erich Gonzales "kabit."

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang isang troll o basher na tumawag kay Erich Gonzales na "kabit ni Paul Soriano."

Troll ang tawag sa netizen na nagkokomento upang magsimula ng gulo o away sa social media.

Malapit na kaibigan at itinuturing na "anak" ni Kris si Erich, na patuloy na inili-link sa direktor na si Paul Soriano.

Si Paul ang mister ni Toni Gonzaga.

Sa mga nauna nilang panayam, itinanggi nina Paul at Erich ang akusasyon sa kanila.

Nagsimula ang pakikipagsagutan ni Kris sa basher nang mag-post siya sa Instagram ng pagsuporta kay Erich para sa Metro Manila Film Festival 2017 entry nitong Siargao, na idinirek ni Paul.

Ginawa ni Kris ang kanyang post ngayong Miyerkules, January 3.

Sa comments section, isang troll (@wonder2505) ang tumawag kay Erich na “kabit ni paul soriano.”

Tinawag niyang "malicious" at #fakenews ang akusasyon ng basher.

Ani Kris, solid at masaya ang pagsasama ng mag-asawang Paul at Toni, na inaanak niya sa kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Erich naman daw ay may matalino at guwapong manliligaw.


Saad pa ni Kris, nagbi-beastmode siya kapag bina-bash si Erich.

Samantala, isang netizen din ang pumuna kay Kris dahil pinatulan niya ang netizen kahit alam niyang troll ito.

Sinagot din ito ni Kris.

Paliwanag niya, nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga netizen kapag hinahayaan ang pagkakalat ng mga ito ng fake news.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin ni Kris na nainsulto siya sa akusasyon ng netizen na hindi siya sumasagot sa fans.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino goes on "beast mode" after a troll called Erich Gonzales "kabit."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results