DoT hopes President Duterte approves PH hosting of Miss Universe 2018

IMAGE Allan Sancon

Umaasa ang Department of Tourism (DoT) na pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na idaos sa Pilipinas ang Miss Universe 2018 dahil wala namang malalaking events na gaganaping sa bansa ngayong taon. Makikita sa larawan sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kuha sa isang event dito sa bansa noong November 2017. 


Napapabalitang nais na naman ng Miss Universe Organization (MUO) na gawin sa Pilipinas ang international pageant nito ngayong 2018.

Pero hindi pa ito kumpirmado.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Corazon Teo noong December 2017, sinabi nitong na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang huling desisyon kung papayag itong sa Pilipinas muli ganapin ang Miss Universe.


Saad niya, "Kung ako ang tatanungin, gusto ko.

"Pero there are many factors to consider.

"At the end of the day, kailangan ko pa rin ng permiso sa presidente. Gaya nung last time.

“Kinausap na kami [ng MUO] na gusto nila sa atin...

"Pero nung kinausap ko si Presidente, sabi niya, 'You know what, may ASEAN tayo.'

"November din ang ASEAN, November din ang Miss Universe, baka daw mahihirapan.

“So, baka next year [2018]. Wala namang event that big, I think naman baka papayag si Presidente.

"Ako, hopeful. I really want it here."

Ayon pa kay Teo, hindi mahirap kausapin si Pangulong Duterte. Pero ayaw lamang daw niya itong pangunahan. 

"Ayaw kong pangunahan baka sabihin niya, 'O, bakit si Wanda sinabi, wala pa naman akong sinabi.'

"Pero alam mo naman si Presidente, madaling kausapin.

"If kung matuloy man, by April, we have to look for sponsors na, if ever.

“Kasi nung last time [Miss Universe 2016] ipit na, kulang kami sa time masyado.

"This time, if ever, mahaba ang oras."

As early as 2017, may mga nagpahiwatig na raw sa DoT na gusto nilang mag-sponsor sa Miss Universe sakaling matuloy ito sa Pilipinas. 

"Marami na rin kaming na-approach and willing naman," sabi ni Teo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN