Alessandra de Rossi on blind item alluding to her: "Fake news."

IMAGE Instagram photo of Alessandra de Rossi

"Grabe ang ganda ko! Mas maganda pa ako sa umaga. Fake news," says Alessandra de Rossi in what seemed to be her reaction to a blind item alluding to her.


“Fake news ”

Ito ang tugon ni Alessandra de Rossi sa isang blind item kung saan marami ang tumukoy sa kanya bilang subject nito.

Sa segment na “Sino” ng radio program nina Mike Enriquez, Arnold Clavio, at Ali Sotto sa dzBB ngayong Biyernes ng umaga, January 5, pinahulaan nila kung sino ang aktres na sinigawan umano ang tatay ng kanyang boyfriend.

Ilan sa mga clue na ibinigay nila ay may letrang “A” sa pangalan ng aktres at pinatugtog din ang kantang “Nosi Balasi” ng Sampaguita.

Ito ay naka-post din sa Twitter account ng dzBB, na kasalukuyang may 54 replies, tatlong retweet, at 28 likes.

Dito ay makikita na karamihan ng Twitter users ay si Alessandra ang hula sa blind item.



Ilang oras matapos ang programa sa dzBB, nag-tweet ang Kita Kita actress ng: “Grabe ang ganda ko! Mas maganda pa ako sa umaga. Fake news”

Sa sumunod niyang Twitter post, tila pinabulaanan niya ang blind item.

Sabi ni Alessandra, “Bat ko naman gagawin yun?

"Saang banda pwedeng mangyari yang kwento na yan?"

Sa huli, ang post pa ni Alessandra: “Boycott.”

Ang singer-actor na si Marc Abaya ang napapabalitang karelasyon ngayon ni Alessandra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN