Max Collins still adjusting to new life as Mrs. Pancho Magno

IMAGE Nice Print Photography

Max Collins on married life: "Hindi pa kami nakapag-settle, we haven't really had time together bilang mag-asawa so that's what I'm looking forward to. After the wedding kasi, nagkaroon ng maraming trabaho, di ba? We've been promoting, taping and going to so many events ng GMA-7."


Inamin ng Kapuso leading lady na si Max Collins na hindi pa raw siya nakakapag-adjust nang husto sa bagong yugto ng buhay niya bilang Mrs. Pancho Magno.

Noong nagsama na raw sila sa iisang bubong ni Pancho, feeling ni Max ay mag-boyfriend at girlfriend pa rin sila.

Kinasal sina Max at Pancho sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, noong December 11, 2017.

“Hindi pa kami nakapag-settle, we haven't really had time together bilang mag-asawa so that's what I'm looking forward to.

“After the wedding kasi, nagkaroon ng maraming trabaho, di ba?

“We’ve been promoting, taping and going to so many events ng GMA-7.

“Busy si Pancho with his show Haplos, 'tapos ako naman itong The One That Got Away.

“Magkaiba minsan ang schedules namin sa work kaya halos hindi kami magkasama sa iisang araw lang.

“But we’re doing our best to really adjust to this married life.

“I'm adjusted in a sense where I'm in love and we're in love.

“Now it's more about thinking about each other, hindi lang namin iniisip yung mga decisions namin or yung mga gusto namin.

“Pero siyempre nandun na yung compromise.

“We always talk about all of everything before we decide,” kuwento pa ni Max sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng The One That Got Away last January 4 sa NIX.05 at Belagio Tower, Tomas Morato, Quezon City.

LIVING TOGETHER. Sa townhouse daw ni Max lumipat si Pancho pero hindi pa raw tapos ang pag-aayos nila.

“Hindi pa tapos sa sobrang dami niyang gamit.

“Adjustments like interior, gusto naming magpaayos ng kitchen, we wanted it to be bigger and more comfortable to cook in kasi kami na lang yung magluluto.

“Sa totoo lang, hindi pa ako sanay magluto talaga.

“Si Pancho yung mas sanay kaysa sa akin magluto.

“So kailangan ko talagang matuto—enjoy the process lang of learning how to cook and then do chores together, maglinis and all those things together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So we want to start off just us,” diin pa niya.

SAVING UP FOR DREAM HOUSE. Pinag-iipunan pa raw nila ang kanilang dream house kaya dun muna sila sa townhouse magse-stay.

“Nakiusap ako kay Pancho na sa townhouse muna kami kasi binabayaran ko pa 'yon.

“He's going to help me pay it off and then eventually yung goal namin is makalipat sa mas malaking bahay.

“Gusto namin mag-ipon muna habang nagtatrabaho, so it is more of a practical decision.

“It wasn't really his decision.

“Nakiusap talaga ako na we save up for our dream house," lahad pa ni Max.

GETTING TO KNOW EACH OTHER BETTER. So far ay wala pa naman daw nadidiskubre si Max na kakaibang ugali ang mister niya ngayong mag-asawa na sila.

Saad niya, “Wala pa naman.

“Kilalang-kilala ko na siya kasi we've been together for four years.

“So I think later on pa 'yan talaga lalabas pag naka-settle na talaga kami sa house and everything.

“Du'n ko makikita yung mga characteristics niya na hindi ko pa nakikita.

“Ngayon kasi, we haven’t settled yet na 100 percent. Paunti-unti muna.”

MARRIED NAME. Natatawa naman daw si Max kapag tinatawag siyang sa kanyang married name na Max Magno.

Tunog action star daw kaya hindi niya mapigilan matawa kapag tinatagawag siyang Max Magno.

Natatawang kuwento niya, “Oo nga, e.

“Ngayon ko lang na-realize na tunog action star pala yung Max Magno!

“Sabi pa ng iba, parang name ng kontrabida ng isang action star!

“Kaya when they asked me kung i-hyphen pa sa name ko yung Magno, sabi ko huwag na lang.

“Lakas maka-action star ng family name ng mister ko.

“E, ang name ko pang-lalake na, tapos pang-brusko pa yung Magno, di ba?

“Uy, baka sabihin nila I’m making fun of my married name. Hindi naman po.

“Sanay na kasi ang marami sa simpleng Max Collins lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa mga legal documents ko at sa mga valid IDs, may Magno na siyempre.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN