Katrina Halili on why she's not yet ready for another romantic relationship

IMAGE Rommel Gonzales

"Balewala sa akin ang mga boys na 'yan!" Katrina Halili replied when asked about the suitors who have been pursuing her.


Naiinggit ba si Katrina Halili sa The Stepdaughters co-star niyang si Megan Young dahil meron itong Mikael Daez na kasa-kasama sa set, samantalang siya ay waley?

“Waley. Manhid na po ako.

“Six years na po akong manhid," sagot ni Katrina nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa New Year's Day party ng Production 56 kagabi, January 6, sa Mowelfund Film Institute.

Puwede bang wala siyang inggit na nararamdaman kapag nakikita ang sweetness nina Megan at Mikael sa set?

“Oo. Happy naman ako for them. Wala pa po talaga sa isip ko ang mag-love life.

“Bata pa po ako,” natatawa niyang hirit.

Five years old na ang kanyang anak.

Naghahanap na ba ito ng kapatid?

“Naghahanap...” mabilis na sagot ni Katrina.

“Ng mga kalaro! So, dinadala ko madalas sa mga kapitbahay.

“Balak ko naman, next time, pag mga 35 na ako. Sa ngayon, nag-e-enjoy po ako na mag-ipon!

“I-settle ko muna lahat! Pag OK na ako, saka ako magla-love life!

“Ano, e... medyo nag-mature na. Dati kasi, love life, todo, e! Dati, ayokong mag-work.

“So, ngayon, mahal na mahal ko ang work ko. Gusto kong mag-ipon nang mag-ipon nang mag-ipon!

“Balewala sa akin ang mga boys na ‘yan!”

Paano yung mga umaali-aligid sa kanya

“May mga tinanggihan akong dates. 'Di ako ready. Parang feeling ko, waste of time.

“Kasi nga, hindi pa ako ready. Personally, hindi ako ready.

"Parang wala akong time na ibibigay sa kanila.

“Ang akin ngayon, goal ko is i-enjoy ko muna ang time ko for myself. I-love ko muna yung sarili ko.

“Kasi, parang dati, hindi ko nagawa ito. I-enjoy ko muna ito.

“Masarap palang mahalin ang sarili.

“So, siguro, next time, makakahanap din ako ng taong magmamahal sa akin pag mahal ko na yung sarili ko.”

UNEXPECTED RELATIONSHIP. Sobrang happy si Katrina sa pakikipagtrabaho kay Megan sa Kapuso teledramang The Stepdaughters, na nakatakdang magsimula sa Pebrero 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unexpected yung relationship naming dalawa," ani Katrina tungkol sa closeness na namuo sa kanila ni Megan.

“Yes! Kasi ano, kahit din naman siya, nagulat din siya.

"Sobrang close kami, sobrang... ewan ko, sobrang sweet sa isa’t isa.

“Para kaming magkapatid. As in... parang magkapatid kami talaga. Naaaliw siya sa akin.

“Cute daw kasi ako, e! Charot! Ang cute-cute din naman kasi niya!

“So, parang nakakita ako ng kapatid, and siya rin. So, happy kami sa set.

“Nakakatuwa, kasi, nakaka-excite din.

"Alam ko na magiging maganda ang project namin dahil magtutulungan kaming dalawa.”

Siyempre, marami silang bonggang eksena ni Megan.

“Nabonggahan ko na siya!” natatawang bulalas ng 31-year-old na aktres na gumaganap bilang kontrabida ni Megan.

“Nakatikim na siya pero talak pa lang! Mga sigaw ko pa lang... Siyempre, alam mo naman, sa mga sigaw ko pa lang, maloloka na siya.

“First day pa lang, nakatikim na siya. First taping day pa lang namin.

“Happy naman kaming dalawa. Alam naming magwo-work talaga kami!”

Lume-level ba siya sa pagiging Miss World 2013 ni Megan?

“Hindi ko pinangarap na maging Miss World! Cowboy lang ako. Charot!” hirit pa ni Katrina.

NO KONTRABIDA RULE. Isa sa pag-aagawan nina Katrina at Megan sa The Stepdaughters ang real-life boyfriend ni Megan na si Mikael.

Lahad ng aktres, “Bale pag-aagawan namin ay tatay, si Sir Gary Estrada; money, yung mana namin; yung lalaki, yung love namin, si Mikael.”

Hindi pa ba siya nagsasawa sa pagkokontrabida?

“Ba’t ako magsasawa kung nakakaipon ako? Charaaazzz!!!” masaya pa ring tsika ni Katrina.

“Hindi... hindi nagsasawa. Kasi, happy naman ako sa mga ibinibigay nilang project.

“Pero siyempre, kung papipiliin ako, gusto ko din naman na kahit papaano, magkaroon din naman ako ng chance na... alam mo ‘yon, yung role ko is nakaka-inspire.

“Pero nagagawa ko naman sa mga guesting. So, yun na lang din, sa aking guesting, ayoko nang mang-api.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko, ako ang naaapi. Para maiba naman. Kasi, parang nakakapagod naman.

"Kontrabida na nga ako sa soap, pati ba naman sa guesting, ganun pa rin?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN