Sylvia Sanchez makes a boo-boo on first meeting with Sofia Andres

IMAGE Noel Orsal

May nakakatuwang kuwento si Sylvia Sanchez tungkol sa unang pagkikita nila ng kanyang co-star sa Mama's Girl na si Sofia Andres. Alamin kung ano ito...


Tinitingnan lang ni Sylvia Sanchez noong una si Sofia Andres, na gumaganap bilang anak niya sa bagong Regal movie na Mama’s Girl.

Kuwento ni Sylvia sa presscon ng pelikula noong Sabado, January 6, habang katabi at kahawak-kamay ang young actress, “Kasi, pag hindi mo talaga siya kilala, iisipin mo, ‘Ay, supladita! Ay, maldita!’

“Para sa akin kasi, huwag mong i-judge yung tao.

"Huwag kang maniwala sa sabi-sabi ng ibang tao hangga’t hindi mo totally nakilala yung tao.

“And I think that, nakilala ko si Sofia. Adopted na rin siya ng familia Atayde.

“In fact, nagpunta kami sa Cebu, kasama niya ang pamilya ko.

“Naging open siya sa akin, sa problema niya, lahat. Humihingi siya ng advice.

“At isa lang ang masasabi ko—mabait siyang bata. Yun lang.”

Inamin naman ni Sofia na medyo na-intimidate siya kay Sylvia.

Pero nang magsimula na silang mag-shoot, sobrang gaan ng loob niya rito.

Parang nanay raw ang feeling niya kay Sylvia. Hindi siya nahirapang mag-connect sa beteranang aktres, lalo pa’t umaalalay ito sa kanya.

YOU LOOK LIKE... Natatawa namang lahad ni Sylvia, “Hiyang-hiya ako kay Sofia, pero bumawi talaga ako sa kanya!

“Kasi, pictorial, the first day kami nagkita.

“First time kong nakita si Sofia... first time ko siyang nakilala.

“Buong cast muna ang nag-pictorial, and then kaming dalawa na.

"Paghawak ko sa kanyang kamay, sobra siyang malamig! As in nanginginig!

“Sabi ko, ‘Bakit ka nanginginig?

“Sabi niya, ‘Natatakot po ako sa inyo.’

“Sabi ko, ‘Huwag kang matakot sa akin. Mukha lang akong impaktita pero mabait akong tao. Huwag ka lang maging impakta, kasi mas impakta ako!’

“Iyon ang sabi ko sa kanya. Direkta.

"‘Anak kita rito, nanay mo ako, so kailangang maging close tayo sa isa’t isa. Wala tayong choice.’"

Patuloy niya, “So, eto na ngayon... ahh... yakap-yakap... nakakahiya! Hiyang-hiya ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yakap-yakap kaming dalawa. Ganun. Tawanan.

"Tapos, sabi niya sa akin, ‘Tita, merong nagsasabi sa akin na kamukha ko raw si Ria [Atayde, anak ni Sylvia].’

“Sabi ko, ‘Actually, kamukha mo si Ria. Para kayong magkapatid!’

“Tapos, sabi niya, ‘Yes, Tita, maraming nagsabi.'

“Tapos, ako, humirit ako, ‘Actually, hindi lang kayong dalawa, e! Meron pang isa kayong kamukha... si Sofia Andres.’

“Ngumiti lang siya sa aking ganun.

“Tapos, sabi ko sa kanya... I swear... ouch!

"Sabi ko sa kanya, ‘Kilala mo. A, yung Sofia Andres?’

“Kasi, aminado ako, mahina ako sa pangalan. Mahina ako sa birthdays.

"Pero yung mukha, tandang-tanda ko, lalo na pag na-meet ko.

“Tapos, sabi niya, ‘Yes, Tita.’ Sino siya? ‘She’s this simple girl.’

“Pagkatapos nun, 'OK... basta, tatlo kayong magkakamukha.'

“Nung kinabukasan, nagkita kami after... sabi ko... tapos, pag-uwi ko, ‘May kabobohan akong ginawa!’

“Sabi ni Ria, ‘Bakit?’ Di ba, kasama ko si Sofia Andres?’

“So, ikinuwento ko kay Ria...

"Sabi ni Ria, ‘Mom, duh! You’re so... yuck!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Gumanun siya, so, tawang-tawa ako.

“After nun, yun ang nag-open. Tapos, nagkita kami, ‘Sorry, sorry, Sofia! Sorry talaga! Kasi, mahina ako sa pangalan!’

“And... eto na kami ngayon,” sambit ni Sylvia habang yumayakap sa kanya si Sofia.

“Eto na siya... kasama ko na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN