Angelica Panganiban on working with Judy Ann Santos: "I'm sure ang daming artista ngayon na gustong maglaslas."

IMAGE Noel Orsal

Ipinagmamayabang ni Angelica Panganiban na nakatrabaho niya sa wakas sa pelikula si Judy Ann Santos. Bata pa lang daw kasi siya ay tinitingala na niya ang magaling na aktres.


Puring-puri ni Judy Ann Santos, 39 ang co-star niya sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na si Angelica Panganiban, 31.

Pero inamin ni Judy Ann na natakot siyang makasama sa proyekto si Angelica, lalung-lalo na sa comedy, dahil alam niyang magaling sa komedya ang Banana Sundae star.

Hindi naman alam ni Angelica kung ano ang isasagot sa mga sinabi ni Judy Ann.

Medyo may kilig na pahayag nito sa co-star, “Hindi ko po alam ba't ganun... mga pinagsasabi mo kanina.

“Hindi ko alam, e, kasi, hindi ko alam.

"Siyempre, nakaka-flatter siya, nakaka-overwhelm. Kasi bata pa lang ako…"

Sabat ni Judy Ann, “Masakit, ha.”

Buwelta naman ni Angelica, “Bata pa lang ako ay artista na ako.

"At siyempre noon, bago ko pa siya nakatrabaho sa Sa Puso Ko Iingtan Ka, talagang pinapangarap ko na ‘Sana makatrabaho ko ‘yan katulad nila Ate Juday, ganyan.’

“Noong naktrabaho ko na siya sa Sa Puso, hindi ako nagsasalita nun. Sa taping, sobra akong tahimik.

“Okay lang na makikinig na lamang ako sa mga kuwento niya. At tatawa na lang ako on the side.

“Ngayon, confident na ako, kaya ko nang makipagkuwentuhan dito, bahala na.

“Lalamunin ko na yung hiya ko, yung pagiging starstruck ko sa kanya, kaya ko ‘to, ganun.”

Ang Sa Puso Ko Iingatan Ka ay ang dating teleserye ng ABS-CBN na umere mula June 2001 hanggang February 2003.

Ang Ang Dalawang Mrs. Reyes ang unang beses na nagkasama sila sa pelikula, at labis itong ipinagmamalaki ni Angelica.


Pagpapatuloy pa niya, “Para sabihin niya yun, di ba, parang masyado siyang nakakatuwa.

"Talaga namang tinitingala ko siya. I’m sure hindi lang ako. I’m sure lahat.

"I’m sure ang daming naiinggit sa akin dahil nakaupo ako dito katabi niya, nasa isang poster kami.

"So, I’m sure, ang daming artista ngayon na gustong maglaslas, ‘Bakit hindi ako yung andiyan, bakit siya?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Angelica, “Mayabang ako ngayon, sorry.”

Ginanap ang presscon ng Ang Dalawang Mrs. Reyes sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kahapon, January 9.

Bukod kina Angelica at Judy Ann, kasama rin nila sa pelikula sina Joross Gamboa at JC de Vera.

Ipalalabas ito simula sa January 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN