Bela Padilla: "I'm very single and I'm very happy!"

IMAGE James Patrick Anarcon

Actress Bela Padilla declares that she is single as of the moment: "I'm very happy. I'm very single and I'm very happy."


Single pero masaya ang estado ng puso ngayon ng aktres na si Bela Padilla.

Ito ang sinabi ng 26-year-old actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ng pictorial ng pelikula niyang Meet Me In St. Gallen, kahapon, January 9.

Natatawang sabi ni Bela, "I'm very happy. I'm very single and I'm very happy!

"That is my only statement for that. Hahaha! Yes, I want to emphasize the word 'happy.'"

Hindi naman nagbigay ng detalye si Bela kung mayroon ba siyang idini-date sa kasalukuyan.

ZANJOE'S "HUBAD PHOTO." Samantala, hindi naman lingid sa publiko ang pagkakaugnay ni Bela sa aktor na si Zanjoe Marudo, na nakasama niya sa teleseryeng My Dear Heart.

Sa katunayan ay kinakiligan ng marami ang naging biruan nina Bela at Zanjoe sa Instagram noong Nobyembre 2017.

Lalo na't hindi kailang makailang-beses nagpahiwatig sina Bela at Zanjoe sa pagkakamabutihan nila noon.

Komento noon ng aktres sa larawan ni Zanjoe na naka-topless: "Last hubad photo mo na 'yan."

Nang banggitin ito ng PEP.ph, napangiti si Bela nang maalala ang kulitan nila ng dating leading man.

Paliwanag ng Kapamilya actress, "Well, it was really just a joke, that's all it was.

"And like he said, hirit-hirit lang naman talaga yun. Ganun lang talaga yun."


Stories We Are Tracking

Zanjoe Marudo on Bela Padilla's comment: Hirit lang yun.
Zanjoe Marudo on Bela Padilla's comment: Hirit lang yun.
Bela Padilla reacts to Zanjoe Marudo's topless photo
Bela Padilla reacts to Zanjoe Marudo's topless photo
Bela Padilla wants to give Zanjoe Marudo a chance
Bela Padilla wants to give Zanjoe Marudo a chance
Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status
Vice Ganda hints at Zanjoe-Bela relationship status


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN