Sofia Andres has no issue with Diego Loyzaga's accidental nude video

IMAGE Noel Orsal

Sofia Andres comes to the defense of her love-team partner Diego Loyzaga, whose nude photo recently made the rounds on social media after someone screen-grabbed a video he posted. "Malaki na siya, alam na niya ang gagawin niya."


Wala raw planong kumprontahin ni Sofia Andres ang nauugnay sa kanyang si Diego Loyzaga tungkol sa lumabas na nude video ng binata ilang araw na ang nakararaan.

Aksidenteng nai-upload ni Diego ang isang video sa kanyang Instagram stories, kung saan nabubura ang posts matapos ang 24 oras.

Bagama't binura agad ito ni Diego, may nakapag-screenshot ng post niya kaya ito ang kumalat sa social media.


Stories We Are Tracking

Diego explains accidental posting of nude video
Diego explains accidental posting of nude video

Hindi raw aware si Sofia sa nasabing isyu.

Nalaman lang niya ito nang maitanong sa grand presscon ng pelikulang Mama's Girl, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City, noong January 6.

Pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Sofia, at Diego ang naturang pelikula na nagsisilbing opening salvo ng Regal Entertainment Inc. para sa taong 2018 at ipalalabas sa January 17.

Pahayag ng 19-year-old Kapamilya actress, "Actually, I didn't know about that.

"Ngayon ko lang naman [nalaman] nang tinanong siya... yun bang tungkol sa photo?

"Hindi ko pa rin nakikita.

"Malaki na siya, alam na niya ang gagawin niya."

Hindi ba siya na-turn off sa ginagawa ng kanyang ka-partner, on- an offscreen?

Mabillis na tugon ni Sofia, "Baka po accidental naman po yun. Alam na niya 'yan."

Ang paliwanag naman ni Diego sa hiwalay na panayam sa kanya, aksidente niyang na-upload ang video dahil nagbi-video blogging siya ng kanyang Eurotrip.

Bahagi raw ng tradisyon sa Sweden na maligo nang hubo't hubad sa bath tub.

Sabi naman ni Sofia, "Mga liberated naman ang mga tao dun, kaya baka ma-adapt lang niya.

"No, I was just kidding. Ano... ewan ko."

Biniro namin si Sofia kung hindi ba siya curious na makita ang nasabing screenshot.

"Pinagpapawisan po ako," ang mabilis naman niyang reaksiyon.

"Hindi naman po, wala naman po."

Hindi ba magkakaroon ng problema sa kanyang mga magulang na baka mag-iba ang tingin ng mga ito sa kanyang special friend?

Paano niya ipagtatanggol si Diego?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Sofia, "Hindi pa naman po nila alam, e.

"Paano ba? E, dumadaan naman kasi 'yan sa buhay ng boys...

"Tama ba? Tama ba ang sagot ko? Kinakabahan ako sa mga sagot ko."

Para sa kanya naman, wala raw masama sa post na yun.

Sabi pa ni Sofia, "Wala namang masama dun.

"Baka proud lang siya dun.

"Hindi ko po talaga nakita."

Dagdag pa ng dalaga, hindi naman ito makakaapekto sa kanilang pagsasama dahil hindi ito sinasadya ni Diego at nabura na rin ito sa social media account ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN