Derrick Monasterio says Jak Roberto has no reason to be jealous of him and Barbie Forteza

IMAGE Derrick Monasterio Instagram

Confident si Derrick Monasterio na walang dapat pagselosan si Jak Roberto sa closeness nila ni Barbie Forteza habang ginagawa ang pelikulang Almost A Love Story. "Very professional naman 'yang si Jak. Alam ko naman na naiintindihan niya."


Ayon sa Kapuso young actor na si Derrick Monasterio, walang dapat pagselosan ang boyfriend ni Barbie Forteza na si Jak Roberto.

Ito ay kaugnay ng pagiging sweet nina Derrick at Barbie sa shooting para sa pelikulang Almost A Love Story ng BG Productions.

Kinunan ang halos buong principal photography ng movie sa iba't ibang bahagi ng Italy.

Tumagal ito ng dalawang linggo at nangyari bago sumapit ang Pasko noong nakaraang taon, kaya ang malamig na klima dito ay naging daan din para maging maasikaso si Derrick sa kanyang leading lady.

Ito rin ay reunion project ng mag-love team na sina Barbie at Derrick, na huli pang nagkasama sa 2014 soap na The Half Sisters. 

Pahayag ng 22-year-old actor, "Wala naman [dapat pageselosan].

"Mas naging close lang po kami, as in nagkaroon kami ng Viber group," pagtukoy niya sa cast at production staff ng Almost A Love Story.

"Hanggang ngayon, nag-uusap kami.

"Baka magkaroon kami ng meeting next week. Catch up lang, ganun.

"Kasi [noong nasa Italy], after nung shoot... kasi maaga kaming natatapos, e.

"Around 6 P.M. tapos na kami, so after nun, gala na kami, ganun.

"Siyempre minsan, parang aakbay-akbayan ko siya [Barbie], kasi siya yung laging nahuhuli sa grupo.

"Ewan ko kung mabagal talaga siyang maglakad, so lagi ko siyang hinihintay.

"Hina-hug ko siya, ganun, kasi malamig ang panahon."

Baka sa mga paakbay-akbay at pahug-hug niya ay mag-react ang boyfriend ni Barbie?

Mabilis na sagot ni Derrick, "A, hindi naman.

"Very professional naman 'yang si Jak.

"Alam ko naman na naiintindihan niya.

"Hindi pa po kami nagkikita [ni Jak], pero alam ko na naiintindihan niya, at wala namang dapat ika-bother.

"Wala po talaga."

Dugtong pa niya, "Nandun naman kami para mag-shoot at hindi mag-develop ng romance or anything.

"Yun ang pinaka-focus namin kaya siguro wala naman yung mga ibalik-ibalik na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, may ilang shooting days pa kaming gagawin dito sa Pilipinas, e.

"So, dito naman tatapusin ang movie."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso hunk sa birthday celebration ng Almost A Love Story line producer na si Dennis Evangelista, na ginanap sa Marco Polo Hotel, Ortigas, Pasig City, noong January 8. 

Nagsilibi na rin itong advance presscon para sa mga naka-lineup na movies ng BG Productions for 2018.

BARING HIS ABS. Pinag-uusapan ngayon ang 'pa-abs" ni Derrick sa teaser ng nasabing movie, kung saan sa gitna ng lamig ay naghubad talaga siya ng kanyang T-shirt.

Casually taking a dip in the ice-cold water.

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on

Paliwanag niya tungkol sa eksenang ito, "It's part of the scene na parang dine-dare niya ako na maghubad.

"Yung bang, 'Ano ba, kaya mo ba? O, sige, kapag naghubad ka, maghuhubad ako.'

"Yung mga ganun.

"Naghubad siya ng medyas. Ha-ha-ha!

"Wala... walang [pa-sexy si Barbie]... more ang focus niya ay yung story talaga, kasi maganda talaga yung story. Ibang klase."

May kissing scene ba sila rito, kahit aminado ang Kapuso actress na ayaw pa niya sa mga ganung eksena?

Paduda ni Derrick, "Secret po!

"Baka hindi niyo na abangan kapag sinabi ko.

"20 years old na siya, 'no. Ha-ha-ha!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN