Marvin Agustin posts positive messages after #lovewins comments on his photo with Markki Stroem

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Marvin Agustin, kung nais nating lumigaya, huwag magpaapekto sa mga taong gumagawa ng mga bagay na ikakadismaya natin. 


Isang linggo matapos pasaringan ni Marvin Agustin ang ilang netizens na nagbibigay ng malisya sa pagkakaibigan nila ni Markki Stroem, nag-post ang Kambal Karibal actor ng mga positibong mensahe sa Instagram.

Nitong Martes, January 9, dalawang magkasunod na mensahe ang ibinahagi ni Marvin tungkol sa pagiging maligaya.

Pahayag ng 38-year-old Kapuso actor, “Be happy and most importantly, be yourself.

"Don’t expect that everyone will like it, let them be.

"Happiness is a choice. Life isn’t about pleasing everyone.”

Kasunod nito, sinabi ni Marvin na may mga tao talagang maaaring magdulot ng pagkadismaya sa kapwa, pero huwag na lang daw ito isipin.

“People can and will disappoint you. Even the ones you love.

"Expect little or even nothing from them but appreciate every kindness they show you."

Matatandaang pinasaringan ni Marvin ang ilang netizens na nagkokomento ng #lovewins sa larawan nila ni Markki sa Japan, kung saan kasama rin nila ang ibang mga kaibigan na nagbakasyon.

Sabi niya sa kanyang post noong January 4, “NEVER. BE. JUDGEMENTAL. It wont help any situation and wont do you any good. In fact, nakakapangit.”


Stories We Are Tracking

Marvin Agustin posts cryptic message on Instagram
Marvin Agustin posts cryptic message on Instagram
Marvin Agustin reacts to rumors about him and Markki Stroem
Marvin Agustin reacts to rumors about him and Markki Stroem

Hindi naman sumagot sina Marvin at Markki sa mga nagkomentong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN