Saab Magalona slams netizen bashing her for missing sister Maxene's wedding

IMAGE Instagram (@saabmagalona)

Saab Magalona reacts to a basher who criticized her for missing sister Maxene Magalona's wedding today, January 11. In an Instagram post, Saab, who is pregnant, explained that her doctor prohibited her from traveling. In this photo: Saab (left) during her January 2015 wedding, where Maxene (right) was maid of honor.


Inalmahan ni Saab Magalona ang isang netizen na sumita sa kanya dahil sa hindi niya pagsipot sa kasal ng nakatatandang kapatid na si Maxene Magalona.

Ngayong Huwebes ng hapon, January 11, gaganapin ang kasal ni Maxene sa kanyang modelong fiancé na si Robby Mananquil sa Boracay Island.

Kaninang umaga ay nag-post si Saab sa Instagram ng mensahe patungkol sa hindi niya pagdalo sa kasal ng kanyang ate.

Si Saab ang matron of honor, subalit hindi siya nakadalo dahil pinagbawalan daw siya ng doktor na magbiyahe dahil sa maselang pagbubuntis.

Mensahe niya, “[A]s her matron-of-honor, I’m so sad that I can’t be with her physically.

"I recently learned that I’m not allowed to travel anymore until after the twins’ birth.

“I really wish I could be there, but with her big and selfless heart, she told me not to worry about it because the safety of my babies is what’s most important.”

SAAB HITS BACK. Sa comments section, pinuna ng netizen na si @welovesistardasom ang post ni Saab.

Ikinatuwiran ng basher na hindi talaga puwedeng bumiyahe ang buntis, at bakit daw sa "Paris" pa ikinasal si Maxene.

Dapat din daw ay nagpakasal na lang si Maxene pagkatapos manganak ni Saab.


Isa-isang sinagot ni Saab ang mga pinuna ng basher.

Tungkol sa bawal daw magbiyahe ang buntis, katuwiran ni Saab, "I just came from HK [Hong Kong] this new year, so anong sinasabi mong bawal mag-travel ang buntis?"

Pinansin din ni Saab ang lokasyong binanggit ng basher na pagdadausan ng kasal ng kapatid.

“Dami mong alam, sis, I had NO idea na sa Paris pala ang kasal?!? Since when?”

Malaki ang posibilidad na nakuha ng basher ang ideyang sa Paris ginawa ang kasal ni Maxene dahil sa recent social media posts nito sa kanilang trip sa France ni Robby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinagot din ni Saab ang tinuran ng netizen na dapat idinaos ang kasal ni Maxene matapos na lang manganak ni Saab.

“Also, they’ve been planning this wedding before we found out I was pregnant, not everybody can just cancel and move stuff around on a whim.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN